MARS GALANG, GALING NA PANG-INTERNATIONAL

(RUDY SIM)

ISANG sining ang potograpiya o photography. Gaya sa iba pang larangan, kailangan ng talino at talento upang makalikha ng obra gaya ng isang magandang larawan.

Maging sa showbiz industry, malaki ang ginagampanang papel ng photography. Sa tulong nito, mas nagiging kaaya-aya at kaabang-abang sa mga tao ang mga promotional photo ng mga bagong show at teleserye ng mga TV network, at maging upcoming movies ng mga film production.

Sa larangang ito masasabing angat ang isang photographer/artist na si Mars Galang, na hindi lang pang-local kundi pang-international ang husay. Ilan sa mga hinahangaang larawan at obrang likha niya ang Waterworld, Cleopatra, Mad Max, Virgin People, at Mulawin.

Kaakibat ng photography, na-master na ni Mars ang paggawa ng costumes upang mas mapaganda ang mga promotional photo para sa mga TV at film ads. At ang labis na pagmamahal niya sa kalikasan ang nagbunsod upang gumamit siya ng recycled materials, na mas hamak na matipid kumpara sa mga imported products.

Nakipag-sanib pwersa din si Mars sa magagaling na ‘kapatid’ sa industriya tulad nina Maestro Leandro Guevara kasama si Doc Erikk Cruz ng Supreme Production Studio, at mga talentadong litratista na sina Ariel Ladrido,Jay Eric Viernes, John Gregory Martinez, Arnel Miranda, Jaypee Delacruz, Mi Amor, Ricky Navarro, Miller Daniolco at Gabion Armando upang maging makulay, makatotohanan at impresibo ang kanilang mga obrang larawan.

Hindi tumitigil sa pagpapaunlad sa kanyang sarili at sining si Mars. Katunayan, gusto niyang makatulong sa iba pang kapwa photographer at maging sa mga gustong pumasok sa showbiz industry.

Ilan sa mga kasalukuyang tinutulungan niyang maabot ang kanilang pangarap ay sina Jodi Garcia, Jade Marielle Canares at Remie Escote.

Umaasa si Mars na hindi lang maging magandang ehemplo sa mga kapwa artist/photographer kundi maging tulay para sa iba pang gustong pasukin ang showbiz industry, na napamahal na sa kanya.

160

Related posts

Leave a Comment