Hinikayat ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Biyernes (Nobyembre 10, 2023) ang higit sa 3,500 na mga bilanggo ng Taguig City Jail at Metro Manila District Jail (MMDJ) na manatiling magkaroon ng pag-asa sa kabila ng kanilang buhay sa bilangguan.
Ipinaalala niya sa kanila ang magandang plano ng DIYOS, na kabilang ang mga pagsisikap ng gobyerno sa rehabilitasyon upang tulungan silang makabalik sa lipunan.
“Ang isang role ng BJMP ay gumawa ng mga programang magkaroon kayo ng vision na may pag-asa pala, na pwede kayong bumalik [sa lipunan],” sabi ng senador.
Ang pagbisita ni Cayetano sa mga city jail ay kanyang taunang tradisyon sa kaarawan na magbahagi ng pagpapala sa iba dahil siya mismo ay ipinagpala. (DANNY BACOLOD)
250