MATAPOS itigil ng limang araw, muling bubuksan ng Metro Rail Transit o MRT ang kanilang mga pinutuan para sa mga pasahero, pero limitado lang ang maaring sumakay.
Ito’y matapos ianunsyo ng management ng MRT na may nabuo na silang sapat na mga tauhan na magpapatakbo ng mga tren at mga istasyon.
Bukas, 12 na train sets, kasama ang 10 CKD train sets at 2 Dalian train sets ang inaasahang bibiyahe.
Magsasagawa rin sila ng contact tracing sa mga pasahero kaya kailangan nilang magsulat sa papel ng ilang impormasyon bago makapasok.
Sinuspinde ang operasyon ng MRT 3 kasunod ng pagdami ng kaso ng coronavirus sa kanilang tauhan.
Tumagal ang tigil pasada nito mula July 7 hanggang 11.
Sinabi ng DOTr na may 186 personnel na positibo sa COVID-19, habang 1,507 personnel ang sasailalim pa sa testing.
Sa ngayon ay may 281 personnel ang may COVID-19.
Habang naka-shutdown ay agad nag-disinfect ang MRT3 facilities.
Patuloy naman ang MRT3 Bus Augmentation Program kung saan 90 buses na may 3-minute fixed dispatching interval ang patuloy na aayuda. (KIKO CUETO)
