Nasiraan ng radar equipment CHINESE CARGO VESSEL NAPADPAD SA TAYABAS BAY

NAPILITANG dumaong ang isang Chinese cargo vessel sa karagatan ng Tayabas Bay sakop ng bayan ng Pitogo sa lalawigan ng Quezon matapos na ito umano ay masiraan ng kanilang radar equipment at para umiwas sa Bagyong Paeng.

Ayon sa report ng Pitogo Police, tanghali pa noong Miyerkoles nang mamataan ng mga mangingisda ang nasabing barko na humimpil sa territorial waters ng nasabing bayan.

Agad itong pinuntahan ng mga miyembro ng Pitogo PNP upang magsagawa ng inspeksyon at alamin kung ano ang ginagawa nito sa lugar.

Napag-alaman na may sakay na 21 crew ang barkong may pangalang JU XI at patungo itong China nang masiraan.

Ayon sa ship captain nito na si Capt. Zhao Faxin, aksidente ang pagkakadaong nila dahil sa masamang panahon at nangako naman ito na kaagad ding aalis sa lugar kapag bumuti na ang panahon. (NILOU DEL CARMEN)

12

Related posts

Leave a Comment