P1-M ALAHAS TINANGAY, AKYAT-BAHAY HULI SA CCTV

CAVITE – Natukoy ang pagkakakilanlan ng isang lalaking hinihinalang akyat-bahay na tumangay sa mahigit P1 milyong halaga ng mga alahas at P10,000 cash sa bahay ng retiradong colonel, makaraang mahagip ng CCTV sa Bacoor City noong Linggo ng gabi.

Arestado ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Renel”, ng Barangay Niog, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa reklamo ni Ret. Colonel Rafael Jackson Cabiles Belleb, 60, ng Brgy. Mambong 4, Bacoor City, kay Police Master Sergeant Armando Perez, umalis sila ng kanyang pamilya dakong alas-9:45 ng umaga at nagtungo sa isang mall.

Ngunit pagbalik nila sa kanilang bahay, napansin nilang basag ang isa sa mga bintana na pinaniniwalaang ‘point of entry’ ng suspek at nalimas ang mga alahas na P1 milyon ang halaga, at ang P10,000 cash.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay at sa pamamagitan ng CCTV footage ay nakilala ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Renel.

(SIGFRED ADSUARA)

135

Related posts

Leave a Comment