P136K SHABU NASABAT SA HVI

CAVITE – Umabot sa halagang P136,000 ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Sob”, ng Malagasang 2-G, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:55 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Imus Component City Police Station sa Brgy. Malagasang 2-G, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 10 piraso ng plastic sachet ng shabu na may timbang na 20 gramo at may street value na P136,000.

(SIGFRED ADSUARA)

144

Related posts

Leave a Comment