Pagbabakuna sisimulan sa Marso SINOVAC DARATING NGAYONG PEBRERO

PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID-19.
Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa.

Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang medical health workers.

“Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan ng Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan ng Marso.

Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na mayroon tayong matatanggap galing doon sa tinatawag na COVAX facility – puwedeng Pfizer, puwedeng AstraZeneca, pero sigurado naman po na sa a-beinte (20) ng Pebrero darating po iyong Sinovac,” ayon kay Sec. Roque.

Kaugnay nito’y siniguro ni Sec. Roque na handa na rin ang paglalagyang refrigerator ng mga bakunang paparating sa bansa.

Bukod sa RITM ay may mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig na nakausap na aniya ng gobyerno para duon iimbak ang mga COVID-19 vaccine.

Sa lahat ng bakuna na paparating ay ang Pfizer naman ang nangangailangan ng sub-zero temperature habang ang iba’y pwede sa ordinaryong refrigerator lamang.

“Tama po iyan. Pfizer lang naman po iyong sub-zero ang kinakailangan at lahat ng mga bakuna ay ordinary refrigeration lamang. So, handa po tayo diyan lalung-lalo na iyong AstraZeneca at saka
iyong Sinovac. Pero pati naman po sa Pfizer dahil kakaunti naman po ang darating mayroon naman po tayong sapat, diyan po sa RITM at hindi lang po sa RITM mayroon din po tayo sa mga pribadong
sektor kagaya ng Zuellig at saka iyong tinatawag nating ORCA,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment