PAGIGING EXPERT WITNESS NI LEACHON SA DENGVAXIA CASE KINUWESTIYON

NANAWAGAN ang mga legal na eksperto sa Philippine Medical Association (PMA) na linisin ang kanilang hanay.

Kasunod ito ng pagprisinta ni Dr. Tony Leachon bilang ‘expert witness’ sa isang court hearing kamakailan sa akusasyon na maraming namatay sa Dengvaxia vaccine, na naging katatawanan.

Ayon kay Leachon, bahagi siya ng autopsy team sa mga pasyenteng sina Colite at Baldonado.

Napag-alaman na base sa mga attending physician ng naturang mga pasyente, ruptured appendicitis ang sanhi ng pagkamatay ni Colite at leukemia naman ang kay Baldonado.

Subalit iginiit ni Leachon na Dengvaxia ang dahilan ng kanilang pagkamatay at kriminal umano ang mga eksperto, kabilang na ang mga Filipino medical scientist.

Iginiit din ni Leachon na eksperto siya sa lahat ng bagay, bata man o matanda, buhay man o patay kasama na ang autopsies, subalit wala siyang maipakitang mga dokumento sa korte para patunayan ito.

Sinasabi rin niyang isa siyang eksperto dahil ipinatawag siya ni dating President Rodrigo Duterte at ginawang adviser.

Aniya, ginagawa niya ang lahat ng ito dahil sa kanyang krusada para sa accountability.

Sinabi pa ni Leachon sa hearing na marami siyang nalalaman dahil palihim siyang pinadadalhan ni Dr. Melissa Guerrero, isang empleyado ng Department of Health (DOH), ng mga dokumento at impormasyon sa kanyang tahanan.

Gayunman ay hindi maberepika ni Leachon kung ang ilang impormasyon ay “deleted o twisted”.

Iginiit niyang maaaring tanungin si Guerrero hinggil sa bagay na ito, subalit ayon sa DOH insiders, si Guerrero ay laging bumibiyahe at inaakusahang anti-vaccine.

Sa kasalukuyan ay hindi ma-contact si Guerrero, na long-time trusted staff ni dating DOH Secretary Francisco Duque.

143

Related posts

Leave a Comment