PBBM PATULOY NA PINASUSUPORTAHAN ANG ‘MOST VULNERABLE SECTORS’

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagsuporta sa “most vulnerable sectors” sa pamamagitan ng pamamahagi ng  cash transfers at fuel discounts para makatulong na mapagaan ang epekto ng tumataas na inflation.

Ito’y  bahagi ng  pangunahin at mahalagang pagtugon ng gobyerno sa tumataas na inflation habang patuloy na itinataguyod naman ang climate action at food security.

“Inflation has accelerated to 7.7 percent in October, and though higher by 0.8 percent from September’s figure, this remains within the Bangko Sentral’s forecast range of 7.1 to 7.9 percent,” ayon sa ulat.

Ang external pressures gaya ng global inflation dala ng compounding factors kabilang na ang Russia-Ukraine war at fiscal instability bilang epekto ng COVID-19 pandemic, at domestic issues gaya ng epekto ng kamakailan lamang na bagyo ang nagsama-samang dahilan ng pagsirit ng presyo, batay na rin sa naging paliwanag ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Nangako naman ang Pangulo na susuportahan ang mga magsasaka at iba pang stakeholders sa agrikultura sa post-disaster recovery, habang pinahuhusay ang value chain at  pamumuhunan sa climate-smart technologies na nananatiling prayoridad sa medium at long-term.

Bilang bahagi ng pagtugon para mapagaan ang water-induced damages sa buhay, pangkabuhayan at ari-arian, ang epektibong pamamahala ng  water resources ay prayoridad din.
Nauna rito, iginiit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na itatag ang Department of Water Resources.

Inatasan din ng Pangulo ang concerned agencies na mag-invest sa “innovations at technologies”.

“We assure the public that the government continues to monitor inflation and all contributing factors, and will explore all other measures to alleviate its impact on our people,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment