PERLA NAKALABAS NA; BAGONG BAGYO MINOMONITOR

(NI KIKO CUETO)

NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Perla, pero may binabantayan na mas malakas na bagyo ang Pagasa sa bahagi ng Pacific coast.

Ang Bagyong Perla ay huling namataan 1,215 kilometers northeast ng Luzon northern tip at may maximum sustained winds na papalo sa 110 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 135 kph.

Papunta ito sa direksyon ng Japan.

Ayon naman kay Pagasa weather specialist Loriedin Dela Cruz, binabantayan nila ang Bagyo na may International name na “Bualoi.”

Huling namataan ang bagyong Bualoi 2,670 kilometers east ng Southern Luzon, na may hangin na aabot sa 130 kph maximum sustained winds at pagbugso na papalo sa 160 kph.

Pero ayon sa PAGASA, malayo ang bagyo at malaki ang posibilidad na hindi ito tatama o papasok man lang sa PAR.

Pero asahan pa rin umano ang kalat-kalat na pag-ulan sa northernmost provinces ng Batanes at Apayao.

Ang Metro Manila, Central Luzon at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakanaras ng maaliwalas na panahon.

 

 

154

Related posts

Leave a Comment