REELECTION BID SA 2022, KINUMPIRMA NI DE LIMA

0

KINUMPIRMA ni Senador Leila de Lima na muli siyang sasabak sa 2022 Senatorial Elections.

Sinabi ni de Lima na ang naranasang political persecution sa kanya ng Duterte administration ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanyang mga adbokasiya.

Dahil anya sa kanyang hindi makatarungang pagkakakulong, mas naniniwala siya na kailangang isulong ang laban sa injustice at ipagtanggol ang human rights.

Sa kanyang open letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni de Lima na bigo ang administrasyon na tuparin ang mga pangako nito noong kampanya partikular ang kampanya laban sa droga, katiwalian at maging sa West Philippine Sea at sa ekonomiya.

Iginiit ng senadora na ang kampanya ni Duterte sa droga ay nakapokus lamang sa small time drug dealers at bigong sugpuin ang big time drug lords.

Habang sa kampanya anya kontra katiwalian ay kabaligtaran ang nangyari dahil pinagpiyestahan pa ang kaban ng bayan sa halip na gamitin ito sa mga prayoridad na programa.

Ejercito atubili

Samantala, aminado si dating Senador JV Ejercito na hindi pa siya desidido kung muling sasabak sa Senatorial race sa 2022.

Ito ay dahil sa posibilidad na muli silang magkakasabay na kumandidato ng kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada.

“I still have to make a decision because of the complicated circumstance I am in again, I am very thankful nonetheless,” saad ni Ejercito.

Sinabi ni JV na napatunayan na sa nakaraang eleksyon na mahirap ang laban kung magkasabay silang magkapatid.

Sa kabilang dako, nagpasalamat si Ejercito sa pag-eendorso sa kanya ni Senate President Tito Sotto at pagbilang sa posibleng line up ng Nationalist People’s Coalition.

“Would like to thank SP Tito Sotto for the trust and confidence for including me in the NPC line up. It’s probably because we had a very good working relationship during the 17th Congress and probably my performance and unblemished track record was the main factor why I am being considered by SP Sotto and by President Duterte himself in his initial list,” diin ni Ejercito.

Bukod kay Ejercito, nagpasalamat din sina Senate Majority Leader Migz Zubiri at Senador Joel Villanueva sa endorsement ni Sotto.

“I’m honored and humbled by the Senate President’s endorsement of my reelection bid. Nakita naman po nang ating Mahal na SP kung gaano po kami magtrabaho sa Senado na nagingibabaw sa aming grupo ang kapakanan nang taong bayan bago partido o sarili. Malaking karangalan po sa akin na maka kuha nang endorsement mula sa Nationalist Peoples Coalition bilang senator sa kanilang line-up,” diin ni Zubiri.

“Am so humbled and honored by the endorsement of SP Sotto and Sen Ping. Am sure it is not just because we have this special bonding kaming 3 as Andres Bonifacio club but because they have seen first hand our commitment and dedication when it comes to the work expected of a legislator,” pahayag naman ni Villanueva. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment