RESUPPLY BOAT NG BFAR INATRASAN, GINAMITAN NG CHOPPER NG CHINA COAST GUARD

MULING inakusahan nitong Linggo ng Pilipinas ang Chinese Coast Guard ng peligrosong maritime maneuver sa kanilang pagtatangkang harangin ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na maghahatid ng supplies sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa pinag-aagawang bahura.

Ayon sa ulat, muling umarangkada ang China sa pangha-harass sa barko ng Pilipinas na naghahatid ng supplies sa mga mangingisda sa pinag-aagawang bahura.

Ito umano ang ikalawang pagtatangka ng China Coast Guard na harangan ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pinakahuling insidente, sa kasagsagan ng resupply mission ng BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, sa Bajo de Masinloc shoal, ay hinaras ng CCG ang barko ng BFAR.

Dito ay muling naglagay ng floating barrier ang CCG upang tangkaing pigilan ang pagpasok ng naturang BFAR vessel sa lugar bukod dangerous maneuver.

Makikita sa ibinahaging video ng Philippine Coast Guard, na nagmamaniobra pa nang paatras ang CCG vessel para lang harangan ang barko ng Pilipinas.

Dito na ni-radio radio challenge ang Pilipinas ang barko ng CCG ngunit nag-deploy naman ang Chinese Navy ng isang helicopter mula sa kanilang warship upang bantayan ang galaw ng BFAR vessel at mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Hindi nagpatinag ang BFAR at nag-deploy rin sila ng isang cessna plane para naman i-monitor ang umano’y pangha-harass na ginagawa ng China Coast Guard.

Samantala, ayon sa PCG, nagawa pa ring malagpasan ng barko ng Pilipinas ang presensya ng China sa lugar at matagumpay na naipamahagi ang tulong sa 44 na mother fishing boats sa Bajo de Masinloc.

Nabatid na tatlo sa apat na barko ng China ang dumikit sa BRP Datu Sanday na namimigay naman ng supply fuel sa mga mangingisda malapit sa Scarborough Shoal.

Kabilang ang tatlo sa apat na Chinese vessels na dumikit ng halos 100 meters lamang sa Datu Sanday’s bow, bukod pa sa isinagawang shadowing, vessel transponder jamming at “dangerous maneuvers”.

“Despite these maneuvers, the skipper of BRP Datu Sanday exhibited excellent seamanship skills and managed to evade the blocking attempts,” pahayag naman ni Commodore Jay Tarriela, ang Philippine Coast Guard spokesman on South China Sea issues.

Kaugnay nito, ikinakalat naman ng China sa kanilang social media at maging sa kanilang state-run Global Times, na itinaboy ng China Coast Guard ang Datu Sanday dahil sa ilegal nitong pagpasok karagatang sakop ng China’s “Huangyan Island” ang Chinese name nila para sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

(JESSE KABEL RUIZ)

81

Related posts

Leave a Comment