PH, UK pinalawak kolaborasyon sa depensa, investment ALYANSA NG PHL SA 3 ALLIED COUNTRIES PAIIGTINGIN

NAKIPAGPULONG si Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro Jr. nitong nakalipas na linggo kay United Kingdom’s Prime Minister’s Trade Envoy to the Philippines, Richard Graham CMG MP, sa ginanap na courtesy call nito sa Department of National Defense (DND).

Pinagtuunan ng dalawang opisyal ang pagtalakay hinggil sa shared security challenges, kabilang ang usapin hinggil sa South China Sea, at ang potential avenues para maging magkatuwang ang dalawang bansa sa defense and investment.

Nagkasundo rin ang dalawang panig sa kanilang mga interest na pag-aralan ang joint ventures sa British investors at iba pang mga kooperasyon para suportahan ang Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP).

Muling inihayag ni Mr. Graham ang kagustuhan ng UK na magkaroon ng closer defense ties sa Pilipinas kaugnay rin sa kasalukuyang global climate and geopolitical concerns.

Inulit din nito ang commitment ng UK na makipagtulungan sa kanilang mga kaalyado at katuwang na bansa sa ilalim ng “Protect, Align, and Engage” framework na isinasaad sa 2023 Integrated Review Refresh, the UK’s national security and international strategy document.

Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippine na pakay ng Pilipinas na magkaroon ng patuloy na suporta mula sa tatlong key allies nito, na kinabibilangan ng United States, United Kingdom at Australia.

Ito at bunsod na rin ng mas agresibong aksyon ng China sa maritime dispute sa West Philippine Sea at sa unti-unting pagpihit ng Pilipinas tungo sa territorial o external defense.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa susunod na mga buwan ay magsasagawa pa ng mas maraming joint patrols ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippines Sea (WPS), na pasok sa 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Aniya, nakipagkasundo si US Adm. John Aquilino, hepe ng US Indo-Pacific Command (Indopacom), para sa mas maraming joint naval maneuvers o Maritime Cooperative Activity (MCA), na layong palakasin pa ang interoperability ng Filipino at US forces sa pamamagitan ng maritime domain at security awareness operations.

Inanunsyo rin ni Brawner ang planong makipagpulong kasama ang senior US military officers na lumahok sa Capstone Pacific Program sa Camp Aguinaldo, Quezon City, ayon kay Col. Xerxes Trinidad, chief ng public affairs office ng AFP.

“We are going to do those activities more; we will increase the frequency and its range,” ani Brawner. Dagdag pa, sinabi umano ni Aquilino sa kanya na “He’s ready when we are ready.”

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Capstone delegates ang pangangailangan na manindigan sa United Nations Convention on the Law of the Sea at rules-based order lalo na security challenges sa rehiyon.

(JESSE KABEL RUIZ)

90

Related posts

Leave a Comment