SENIOR CITIZEN PATAY SA BUNDOL NG TRUCK

NAMATAY noon din ang isang 63-anyos na lola makaraang mabundol ng truck sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa Barangay 105 Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Teresita Oliva, dalaga, ng Tondo, Manila.

Nahaharap naman sa kasong homicide by vehicular accident ang suspek na si Danilo Layug, 51, driver, ng Barangay Halayhayin, Siniloan, Laguna.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lugar.

Habang tumatawid umano ang biktima nang hindi ito napansin ng driver ng trailer truck naging dahilan para mabundol ito.

(RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment