SNATCHER SA JEEP TIMBOG SA TRIKE DRIVER

HINDI nakatakas ang isang 41-anyos na lalaki makaraang madakma ng tricycle driver matapos agawin ang cellphone ng isang service crew sa loob ng pampasaherong jeep sa Brgy. 416, Sampaloc, Manila noong Miyerkoles ng umaga

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Mark Jarred Varron, residente ng Galas, Quezon City.

Base sa ulat ni Police Staff Sargent Jeus Cris Jacalne ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:50 ng umaga nang biglang sinapak ng suspek ang biktima sa loob ng jeep at inagaw ang cellphone nito.

Tinangka ng biktima na lumaban ngunit tinadyakan siya ng suspek saka mabilis na bumaba ng sasakyan.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa pumapasadang tricycle driver na si Edwin Isles, 42, na hinabol ang suspek at hinuli ito saka dinala sa himpilan ng pulisya.

(RENE CRISOSTOMO)

170

Related posts

Leave a Comment