Solon sa mga Lopez MANGGAGAWA ISALBA, ABS-CBN IBENTA

KUNG nais ng pamilya Lopez na hindi mawalan ng trabaho ang sinasabi nilang 11,071 empleyado ng ABS-CBN ay ibenta na lamang nila ito.

Suhestiyon ito ni Deputy Speaker LRay Villafuerte sa kanyang interview sa ANC na isa sa mga TV station ng mga Lopez, matapos tanungin kung binigyan ng Kongreso ng pagkakataon ang ABS-CBN na itama ang umano’y labor violations at maiwasan mawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyado.

“Bottomline, my suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation. If they really love the 11,000 employees or more and they really want to serve the Filipino people, ibenta na lang iyong kumpanya,” ani Villafuerte.

Isa sa mga isyung inimbestigahan sa joint hearing ng House committee on legislative franchises at committee on good government and public accountability ay ang paglabag ng ABS-CBN sa karapatan ng kanilang mga manggagawa.

Napatunayan sa nasabing imbestigasyon na hindi totoong 11, 071 ang empleyado ng ABS-CBN kundi 2, 261 lamang habang ang halos 9,000 ay pawang contractual at talent tulad ng cameramen na nagsilbi sa kumpanya ng 10 hanggang 20 taon.

Inihalimbawa ni Villafuerte, nang ibenta ng Mighty Corporation ang kanyang kumpanya matapos habulin sila ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ay hindi aniya nawalan ng trabaho ang mga mangagawa ng mga ito.

“Nagbayad, binenta, walang problema, walang natanggal,” na puwede ring gawin aniya ng mga Lopez upang maisalba ang trabaho ng kaniang mga empleyado.

Naniniwala ang mambabatas na maraming puwedeng bumili sa nasabing network kapag ibinenta ito ng mga Lopez.

“Ako, I will support the renewal under new management,” ani Villafuerte na isa sa 70 congressmen na bumoto para ibasura ang aplikasyon sa panibagong prangkisa ng nasabing kumpanya. (BERNARD TAGUINOD)

115

Related posts

Leave a Comment