TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na ang Security of Tenure bill, na naglilimita sa contractualization ng mga manggagawa ay hindi pa tuluyang namamatay kahit hindi ito nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA).
Ang pangulo, na nangakong tatapusin ang contractualization nang mangampanya ito noong 2016, ay vineto ang bill laban sa contractualization,” o “anti-endo bill,” noong Hulyo 2019 sa kabila na sinertipikahan ito bilang urgent.
“The President promised passage the anti-endo bill [into law], and he vetoed it because there were objectionable provisions on the version passed by Congress,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“We promise that we will continue to work with Congress for a compromise that is acceptable to all stakeholders,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)
