SUSPEK SA ATTEMPTED HOMICIDE ARESTADO

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang isang suspek sa kasong attempted homicide, sa Brgy. 871, Zone 95, Pandacan, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, ang suspek na si Helbert Diaz, jobless, ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat nina Police Captain Vianny Ortiz, hepe ng Investigation Branch, at Police Captain Ramel Lucero, kapwa nakatalaga sa Tracker Team ng nasabing himpilan, bandang alas-3:10 ng hapon nang ikordon ang bahay ng suspek at isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Richelle Lou Boling – Sanchez, ng Metropolitan Trial Court, Branch 29 ng Manila, sa kasong attempted homicide.

(RENE CRISOSTOMO)

 

84

Related posts

Leave a Comment