TIBO NAGSELOS, EX-GF SINAKSAK

LAGUNA – Sugatan ang isang 24-anyos na dalaga matapos na ito ay saksakin ng kanyang dating karelasyong lesbian sa Brgy. Sirang Lupa, Calamba City, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Jenefer Dino, residente ng Barangay Lecheria, Calamba City.

Batay sa report ng Calamba City Police, nagdya-jogging ang biktima sa plaza nang dumating ang 41- anyos na suspek na si Mary Grace Alcantara, isang production operator, at inimbitahan ang dalaga na sumakay sa kanyang kotse.

Subalit habang nasa loob ng sasakyan ang dalawa, nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek.

Tinamaan ng mga saksak sa ulo ang biktima na agad isinugod sa ospital at nilapatan ng lunas. Sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Nagalit umano ang suspek dahil sa hindi pakikipagbalikan sa kanya ng biktima na inakala nitong may iba nang karelasyon. (NILOU DEL CARMEN)

15

Related posts

Leave a Comment