TOP 1 MOST WANTED SA LAGUNA, ARESTADO

NAARESTO ang Top 1 Most Wanted Person ng Laguna kahapon ng tanghali sa Sitio 4, Barangay Oogong, Santa Cruz, sa lalawigang ito.

Kinilala ni Regional Highway Patrol Unit (RHPU) Regional Chief PLt Col. Sam Belmonte ang suspek na si Edilberto Balatian y Fernandez.

Isinilbi sa suspek ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) na pinangunahan ni Pmaj. Charlie Reyes at ng Santa Cruz Municipal Police Station, ala-1:45 ng tanghali ang warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.

Nakapiit na ang suspek sa Santa Cruz MPS para harapin ang kasong paglabag sa RA 10883 at 2 counts of rape.

Samantala, natuklasan naman ang isang bangkay dahil sa masangsang na amoy kagabi sa Brgy.Tranca, Bay, Laguna.

Ayon sa Bay Municipal Police Station, nagreklamo ang ilang residente sa masangsang na amoy sa Sitio Las Palmas, Brgy. Tranca kaya agad nag-usisa ang mga tauhan ng barangay.

Natunton ang amoy mula sa bahay ng hindi pa pinangalanang residente. Nang sapilitang buksan ang nakakandadong pintuan ay tumambad ang bangkay ng biktima. Inaalam pa ng mga awtoridad kung may foul play sa pagkamatay nito. (CYRILL QUILO)

222

Related posts

Leave a Comment