PAMASKONG HANDOG NG KABATAAN PARA SA KALIKASAN

NITONG nagdaang Pasko ay lubos na nakiisa ang mahigit isang libong kabataan ng Montalban sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punla ng puno ng prutas tulad ng guyabano, sampaloc, pili, santol, at cacao sa Mt. Parawagan ng Brgy. San Rafael upang isulong ang pangangalaga at patuloy na pagtatanim ng mga puno sa ating kabundukan.

Ito ay bilang panangga sa mga kalamidad at pagbaha. Hangad po ng FutureNatin na sama-sama ang ating kabataan sa patuloy na pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng ating kapaligiran upang makatulong tayo sa ating kalikasan para sa susunod na henerasyon ng kabataan.

Ito na ang ikaapat na pagkakataon na mahigit 1,000 kabataan ng Montalban ang sumama sa ating programang pangkalikasan save our Forests Now. Ito rin po ang unang pagkakataon na punla naman ng mga punong namumunga ng prutas ang ating tinanim sapagkat puro kawayan ang ginamit ng mga kabataan noong nakaraan.

“Save our Forests Now ang sigaw ng FutureNatin youth para sa kasalukuyang mga kabataan ng Montalban at sa mga susunod na henerasyon ay magkaroon tayo ng magubat na Sierra Madre na katuwang natin laban sa bagyo at baha,” ayon pa kay Rizal Congressman Fidel Nograles.

Related posts

Leave a Comment