NPA MEMBER NAPATAY NG PNP-PRO5

SA pagsisimula ng bagong taon, bitbit pa rin ng Police Regional Office 5 ang matinding pagnanais na buwagin at bigyan ng tuldok ang karahasang dulot ng New People’s Army (NPA).

Patunay rito ang matagumpay na combat operation ng mga kawani ng Catanduanes Police Provincial Office (CPPO) noong ika-9 ng Enero 2022.

Ayon sa report ng CPPO, dakong alas-7:30 ng gabi sa Brgy. Hinipaan, Bagamanoc, Catanduanes nang mangyari ang engkwentro sa pagitan ng pinagsamang pwersa ng pulisya at militar laban sa tinatayang sampung miyembro ng rebeldeng grupo.

Ito ay nagresulta sa pagkakapaslang sa isa sa mga kasapi ng NPA na hindi pa malaman ang pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, nagbigay ng direktiba si P/BGen. Jonnel C. Estomo sa lahat ng unit commanders na mas paigtingin ang operasyon kontra kriminalidad lalo na ang kampanya kontra insurhensya. Ipinag-utos din nito na mas palakasin pa ang ugnayan sa komunidad bilang isang epektibong paraan sa pagkamit ng layunin nitong tapusin na ang mahabang panahong pagpapalaganap ng karahasan at takot ng rebeldeng grupo. (JESSE KABEL)

192

Related posts

Leave a Comment