HABANG nalulunod ang taumbayan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, lumalangoy naman sa bilyon-bilyong kita ang mga kumpanya ng langis.
Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago kasunod ng ipinatupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis noong Martes na lalong nagpapahirap aniya sa taumbayan partikular sa transport sector.
Ayon sa mambabatas, sa unang 9 na buwan na taon, nagtala umano ang Petron Corporation ng P9.7 bilyong net income o mas mataas ng 37% kumpara sa kinita ng mga ito sa kaparehong panahon noong 2024.
“Pasan-pasan ng mga ordinaryong Pilipino ang excise tax sa langis, habang nagpapakasasa ang oil companies sa bilyon-bilyon na kita,” ani Elago.
Hindi nagbigay na detalye ang mambabatas kung magkano ang kinita ng ibang oil companies tulad ng Shell at Caltex subalit naniniwala ito na tulad ng Petron ay bilyones din ang kanilang tubo.
“This just proves how deregulation only benefits the few at the expense of the many. Consumers should be paying less at the pump, but instead, they’re paying more because the government refuses to hold oil giants accountable,” ani Elago.
Dahil dito, kailangan amyendahan na aniya ang Oil Deregulation Law dahil mula nang ipatupad ang batas na ito noong 1998 ay nawalan na ng kontrol ang gobyerno sa presyuhan ng mga produktong petrolyo.
Naging dahilan din anya ang batas na ito sa price manipulation at cartel sa industriya ng langis kaya kailangang maamyendahan ang nasabing batas para sa proteksyon ng consumers.
“For decades, the Oil Deregulation Law has allowed a handful of corporations to dictate prices without transparency. It’s time to end this anti-consumer policy. We demand immediate government action—through tax relief on oil products and stronger regulation of the downstream oil industry,” ani Elago.
(BERNARD TAGUINOD)
80
