IPATUTUPAD na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang digital justice initiative para maging moderno ang case management at proseso sa forensic.
Kaugnay nito, sisimulan na ang modernisasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay at teknolohiya para wala na umanong agent ang lumalaban sa krimen gamit ang makalumang sistema.
Sinabi ni Atty. Angelito Magno, palalakasin din ng nasabing inisyatiba ang kaalaman ng NBI Academy, hindi lamang para maging bihasa sa paglaban sa mga hamon, kundi para na rin sa usapin ng malasakit ng mga imbestigador sa kanilang trabaho.
Tiniyak at nangako pa si Atty. Magno na mapangangalagaan ang kanilang mga tauhan katulad ng pagprotekta nila sa bansa nang may buong pagmamalaki.
Sinabi pa ni Atty. Magno, nais niyang mapalapit sa taumbayan ang bureau sa pamamagitan ng pakikinig, pakikibahagi at titindig sa mga komunidad dahil ang hustisya ang pinakamalakas kapag ito ay naibahagi.
(JOCELYN DOMENDEN)
69
