MAHIGIT P1.1 milyong halaga ng high grade marijuana ang nakumpiska sa isang 24-anyos na online seller makaraang nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 ng madaling araw nitong Sabado nang isagawa ang operasyon kontra kay Michael Kevin Garcia sa harap ng bahay nito sa Ligaya St., Brgy. 122 matapos ang isang linggong validation sa tip ng impormante hinggil sa ilegal na gawain ng suspek.
Nakaiskor sa suspek ng P4,000 halaga ng marijuana ang undercover cop at nang iabot ni Garcia ang ilegal na droga ay dinaluhong ito ng mga parak.
Nakumpiska sa suspek ang 9,250 gramo ng high-grade marijuana na tinatayang P1,110,000 ang halaga, at buy-bust money. (ALAIN AJERO)
152 