ANG BITCOIN

FOR THE FLAG

Paano bibigyan ng halaga ang isang bagay na hindi nahahawakan? Ang salapi ay may katumbas na ginto na nakaimbak sa Bangko Sentral, garantya na may halaga ang papel o coin na hawak natin.

Ang tseke naman na isa ring papel ay ginagarantyahan ng depositong salapi na nakaimbak sa bangko. Ang tiwala ng tao sa integridad ng pera anazg nagbibigay halaga rito kung kaya’t naipapalit ito sa produkto o serbisyo.

Kapag tumataas ang utang ng isang bansa, bumababa ang halaga ng salapi nito. Halimbawa, kung mababayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas ang halaga ng piso ay magiging katulad sa halaga ng dolyar, piso sa isang dolyar.

Sa Katipunan sa Quezon City ay may isang restwaran kung saan makakabili ka ng pagkain gamit ang bitcoin, isang virtual na currency. Limang taon na ang nakakaraan, ang halaga ng isang bitcoin ay nasa P50. Ngunit ngayon ay nasa P205,000 na ang katumbas na halaga sa piso kada bitcoin.

Paanong tumaas ito ng ganon? Nauso dahil sa maaaring ginintuang oportunidad ang sagot. Maraming tao ang nakakita ng oportunidad sa bitcoin, at dahil sa biglang pagtaas ng demand ay tumaas din ang halaga nito.

Nakalikha na rin ang bitcoin ng isang bagong industriya na nakapalibot dito sa virtual currency na ito. Kung tutuusin ay speculative ang halaga nito ngunit sa ngayon ay nakakamangha na ang isang bagay na hindi nga isang bagay ay magka-roon ng napakataas na halaga.

Ang tawag sa bitcoin ay crytocurrency at sa ngayon ay mayroon nang 1,600 na cryptocurrency bukod sa bitcoin.

Hinihimok ang ating mga mambabasa na maging mapag-obserba muna at araling maige ang nasabing industriya bago pumasok sa pag-te-trade gamit ang cryptocurrency, dahil sa bandang huli ay baka maging Mickey Mouse money ‘yan.

Ang Mickey Mouse money ay bansag sa salaping gamit nung panahon ng World War II na nawalan ng halaga matapos bumagsak ang pananakop ng bansang Hapon at matalo ito sa digmaan.

Malaking problema ito dahil hindi na maaaring ipambili ang hawak ng mga tao sa Pilipinas noon matapos makahulagpos ang Pilipinas mula sa bansang Hapon.

Ang isang dapat bantayan dito e dahil ang bitcoin ay maituturing na isang speculative currency na ang halaga ay naaayon sa demand na ina-assign dito ng merkado, maaaring maihalintulad ito sa isang lobo na maaaring pumutok at mawala anumang oras. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

72

Related posts

Leave a Comment