ANG IBA’T IBANG PROYEKTO NINA COUN. DOK G. LUMBAD AT REP. AMBEN AMANTE

TARGET NI KA REX CAYANONG

MATAGAL ko nang kilala itong si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad, councilor ng 3rd District ng Quezon City.

Kaliwa’t kanan ang mga proyekto niya sa kanyang distrito.

Kamakailan nga, kasama ang #TeamDOKG, binisita ni Lumbad ang Brgy. Pansol-Kaingin 1 Area para mamahagi ng buwanang supply ng libreng vitamins at maintenance sa mga residente.

“Hindi po tumitigil ang aming #GamotAyLibre Program. Abangan lamang po ang aming pagpunta sa inyong lugar. Ingatan at palagi din pong bitbitin ang inyong DOK G Card sa pag-claim ng mga libreng gamot,” wika ni Dok G.

Nariyan din ang mga programa sa mga Barangay ng District 3 tulad ng bloodletting activity o ang “Dugo mula sa Puso” sa Brgy. E. Rodriguez at Solo Parents General Assembly na naganap sa Brgy. St. Ignatius kamakailan.

Namimigay rin ang #TeamDOKG ng free snacks sa mga participant bilang pasasalamat sa kanilang oras at kooperasyon.

Kumakalat ang mga ganitong aktibidad, kabilang ang pamamahagi ng libreng vitamins at maintenance sa “Botika ng Barangay.”

Nagpapasalamat naman si Dok G sa mga barangay official na naging at magiging bahagi ng kanilang mga programa at proyekto.

Samantala, sa ikatlong distrito naman ng Laguna (San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Victoria, Calauan at Alaminos) ay umuulan ng proyekto mula kay Congressman Loreto “Amben” Amante.

Umaagapay siya sa mga nais mag-training para makahanap ng magandang hanapbuhay sa pamamagitan ng TESDA Scholarship Program.

Maaaring mag-apply ang mga high school, ALS at college graduates, 18 years old pataas hangga’t kaya makapag-aral at matuto.

Dapat ay residente ng San Pablo City, Rizal, Nagcarlan, Liliw, Victoria, Calauan at Alaminos.

Mangyaring dalhin ang mga requirements na nakalagay sa Facebook page ni Cong. Amante.

Tandaan na ito’y limited slots only at first come, first served basis.

Magsadya sa tanggapan ni Cong. Amante para sa inyong aplikasyon sa Fule-Malvar Mansion sa lungsod ng San Pablo.

Mabuhay po kayo at God bless!

276

Related posts

Leave a Comment