ATTY. VIC RODRIGUEZ NAGSALITA NA SA PANINIRA LABAN SA KANYA

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NAGSALITA na si Atty. Vic Rodriguez matapos ang ilang taon na kanyang pananahimik, hinggil sa ipinupukol na mga paninira laban sa kanya.

Noong nakaraang Hulyo 5, 2024 ay nagsagawa ng book launching ng “Victor D. Rodriguez KINGMAKER, The Hard Copy” na ginanap sa Joy Nostalg Hotel and Suites sa Ortigas, Pasig City.

Ang librong ito ay naglalaman ng mga detalye kung ano ang naging papel ni Atty. Vic Rodriguez sa pagkakapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong 2022 Presidential Elections.

Nakapaloob din dito na naging chief strategies, tagapagtanggol at tagasalag sa mga batikos laban kay Bongbong Marcos si Atty. Rodriguez partikular ang ginawang pagharang ng martial law survivors sa kandidatura ng batang Marcos.

Si Atty. Rodriguez din ang naging spokesperson ni BBM sa kanyang electoral protest sa vice presidential race noong 2016 May elections.

Siya rin ang nagtulak kay BBM na tumakbo itong presidente noong May 2022 presidential elections kung saan ay nanalo ito sa pamamagitan ng botong 31 milyon.

Sa book launching, hindi maiwasan na maging emosyunal ni Atty. Rodriguez dahil nakita niya ang suporta ng kanyang mga tunay na kaibigan na dumalo sa nasabing okasyon.

Ayon sa kanya, mas ginusto niyang hindi sumagot sa paninira sa kanya ng mga bayarang vloggers, media at broadcasters dahil inirerespeto niya ang Office of Executive Secretary at iniingatan niya ang administrasyong Marcos.

Sinabi pa nito na darating ang panahon na sasagutin niya ito sa pamamagitan ng libro na may kalakip na mga dokumento.

Sinabi pa niya na hindi madaling magtimpi dahil tao lang din siya at nasasaktan pati ang kanyang pamilya subalit may panahon ang lahat ng mga ito.

Kaya sa launching ng kanyang libro na pinamagatang “Victor D. Rodriguez KINGMAKER, The Hard Copy” na isinulat ng isa sa pinakamagaling na writer ng Philippine Daily Inquirer, ito na ang panahon na malalaman ng taumbayan ang katotohanan ng lahat ng mga ibinabato laban sa kanya.

“Laway lang ang puhunan nila, nasa akin ang lahat ng katotohanan,” banggit pa ng dating ES.

Kabilang sa mga ito ay ang isyu kay Chet Pastrana na sinasabing bayaw o bilas niya ito na kamakailan lamang niya nakilala ang asawa nito.

Ang pangalan ni Pastrana ang pumutok na itatalaga sana sa Philippine Ports Authority (PPA) na hindi natuloy.

Si Ginoong Pastrana ay isa sa mga negosyante na may malaking ambag sa kampanya ng pagtakbo ni Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 Presidential Elections.

Si Pastrana ay isa rin sa mga dumalo at panauhing pandangal sa book launching ng “Victor D. Rodriguez KINGMAKER, The Hard Copy” na ginanap sa Joy Nostalg, Ortigas, Pasig City.

Kabilang din sa mga pinakamatinding ibinabato kay Atty. Rodriguez ay kapit-tuko siya, power hungry, nagbebenta ng posisyon o position for sale.

Sa panayam kay Gerry Lirio na author ng libro, kaya napili niyang titulo ang “KINGMAKER” dahil si Atty. Rodriguez ang nasa likod ng pagkakapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 Presidential Elections.

oOo

Para sa sumbong at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

43

Related posts

Leave a Comment