DIREK TOYMATZ: NA-SCAM PERO ‘DI SUMUKO

Bizzness Corner ni Joy Rosaroso

SANA ay patuloy tayong makapagbigay ng sigla sa larangan ng industriya ng negosyo. Iba’t ibang mga pinagdadaanan tungo sa tagumpay. Sabi nga, laban lang at dapat positibo sa buhay.

Kamustahin naman natin si Direk Toymatz Samonte sa kanyang binuksang film industry. Noong taong 2015 pa, ayon sa batikang director, gusto niyang makatulong sa aspiring artists na gustong pumasok sa industriya ng singing at ito rin umano ang kanyang passion.

Ano nga ba ang kaibahan nito sa production company, bukod sa pagpo-produce? Ang Maximus Entertainment Production ay sakop na lahat, music, pelikula at pag-discover ng mga bagong talento. Sa kasalukuyan, itong kumpanyang ito ay walong taon na at ayon kay Director Toymatz Samonte, way back 2009, isa lang siyang stage parent hanggang sa makaranas siya ng mga panloloko mula sa iba’t’ ibang scammer, hanggang nagpasya na siyang mag-aral sa industriya at buksan ang film production. During pandemic ay nahinto ito at pumasok naman ang Food Delivery Online at Medical Supplies.

Ang advice ni Direk Toymatz Samonte sa mga taong gustong pasukin ang ganitong larangan ng negosyo: “Push your Dream, Push your Passion”. Estimate na meron ka dapat na kapital at least P100K at kailangan ng masusing pag-aaral na tatagal ng two to three years at bago ka mapunta sa taas, galing ka muna sa baba”.

Advice pa ni Direk Toymatz Samonte, umiwas sa mga manloloko dahil napakaraming ganyan sa industriya.

109

Related posts

Leave a Comment