Bizzness Corner ni Joy Rosaroso
ANO ba itong Durafresh Philippines? Maraming produkto itong Durafresh, gaya ng pang-spray sa bibig, toothpaste at meron din pampaputi ng kilikili, oral rinse na All Natural Organic pero ang teknolohiya ay nagmula pa sa bansang America.
Itinatag ang Durafresh Philippines Distribution noong 2020.
Ang teknolohiya ng US na kasama nito na nagpapatingkad sa mga karaniwang produkto ng consumers oral at personal na pangangalaga para sa pagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan at kaayusan.
Sa patuloy na paggamit ng mga produkto ng Durafresh, ginagawang mas malusog ang inyong buhay.
Marami akong naranasan at naging inspirasyon ko ito. Sa katunayan mula noong unang araw ng paggamit ng mga produkto sa panahon ng pandemya, hindi kami nahawaan ng virus kahit na nalantad kami sa mga taong dinapuan ng sakit.
Ang pagkakaiba ng Durafresh sa ibang parehong linya ng negosyo, ayon sa kumpanya, ay ang kanilang mga produkto ay LIGTAS, EFFECTIVE IN KILLING MICROBES (650 LISTED MICROBES), COST EFFECTIVE TOO (LOW DOSE, HIGH POWER). Wala rin itong carbon print! Lahat ay natural at walang nakalalason na produkto.
“Napanatili naming matatag ang aming negosyo sa kabila ng pandemya. Ang aming mga produkto ay pang-araw-araw na consumable at dapat mayroon sa bawat pamilya para mabuhay sa isang bagong mundo. Kung ang alkohol ay hindi na kayang protektahan ang bawat pamilya o tao mula sa nakamamatay at lubhang nakahahawa na impeksyon,” ayon pa rin sa Durafresh.
“Ang aming kompanya ay napakabata pa lamang. Na-formalize namin ang aming online na diskarte ngayong taon lang, at last two years ago lang kami nag-umpisa kung paano ang mga strategy tungkol dito. Pinag-usapan namin kung paano namin i-market ang produkto namin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamamahagi ng tradisyonal na consumer retail at etikal/propesyonal na paraan ng pagma-market.”
Mula noong 1985 sa U.S. nagsimula ang istorya ng Durafresh.
Advise ko sa lahat ng mga gustong sumubok sa negosyo, patuloy lang na magsaliksik para sa mga produkto o serbisyong naaayon sa iyong mga prinsipyo, adbokasiya at may patuloy na paggamit o pangangailangan.
Pag-aralan ninyo mabuti ang gusto ninyong pasuking negosyo ng dalawa hanggang limang taon depende sa oras at higit sa lahat, focus.
206