BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO
UNA, gusto nating batiin ng isang Masaganang Bagong Taon ang pamunuan ng Saksi Ngayon.
Ano ang hinaharap ng ating ekonomiya ngayong 2024? Well, mukhang maganda ang simula natin ngayong taon dahil ipinasa ng Kamara ang national budget na P5,786 trillion para sa 2024 na ang halaga ay mas mataas ng 9.5 percent sa nakaraang taon.
Ang pag-apruba sa HB 8980 o ang General Appropriations Act ay kasunod ng pagsertipika ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukalang batas sa Kamara bilang ‘urgent’.
Ito ang nagbigay daan sa Kamara na aprubahan ang panukalang batas sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa parehong araw, at 296 na mambabatas ang bumoto pabor sa panukala habang tatlo ang “No” at zero abstentions.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, bibigyang prayoridad sa panukalang budget ang mga gastusin na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang Philippine Development Plan 2023 to 2028 gayundin ang 8 point socio-economic agenda, ay inaasahang matutupad matapos ang pinsalang epekto ng pandemya.
Bibigyang prayoridad ang pamumuhunan sa imprastraktura at agrikultura upang siguraduhing magiging sapat ang pagkain sa bansa.
Paliwanag ni Secretary Pangandaman, ang budget ngayong taon ay 9.5 percent na mas mataas kumpara sa P5,268 trillion budget noong 2023 at katumbas ng 21.8 percent ng Gross Domestic Product ng bansa, na kailangang hakbang para sa pangkabuuang layunin na makamit ang status ng upper middle income habang binababa ang deficit sa 3 porsiyento upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.
1216