ES BERSAMIN SABLAY SA PAGTALAGA KAY MANG KANOR SA BI

SA hinaba-haba ng prusisyon at kagustuhang makabalik sa dati nitong puwesto sa ahensya ng pamahalaan ay nakuha pa rin ni alias “Mang Kanor” na magawan ng paraan ng pamahalaan na mabigyan ito ng puwesto sa Bureau of Immigration (BI) bilang karagdagang deputy commissioner.

Kamakailan ay nanumpa itong dating deputy commissioner ng nakaraang administrasyon kay Executive Secretary Lucas Bersamin bilang pangatlong deputy commissioner ng kasalukuyang rehimen, at sa pagkakataong ito ay nagkagulo ang ahensya kung saan kukunin ang pampasuweldo ng BI sa dagdag na posisyon na itinalaga sa kanya.

Ayon sa nakalap nating impormasyon ay sakit ng ulo ngayon ng Finance and Management Division ng BI kung saan nila kukunin ang pampasuweldo sa karagdagang opisina na wala naman sa legal na plantilla ng pamahalaan. Aba eh, kahit anong talino ng mga ito sa Math ay talagang mawiwindang ang humahawak ng payroll kung paano at saan kukunin ang pera para sa suweldo ni Mang Kanor at ng kanyang magiging bitbit na sariling mga tauhan.

Bakit nga ba hindi pa nakuntento itong Mama sa kanyang dating posisyon sa gobyerno at talagang nag-effort para makabalik lang sa puwesto at hindi lang ‘yun, dahil sa sobrang lakas ng kanyang backer ay talagang ginawan ng paraan na ito ay makapuwesto kahit wala nang bakanteng posisyon.

Ito kaya ay dahil gusto nitong magsilbi sa bayan o para lamang sa pansariling kapakanan? Pinag-isipan kayang maigi ni ES Bersamin ang kanyang hakbang o mayroon itong malapit na kamag-anak na bumulong? Tama ba ako, Bryan? Tutal din lang at bagyo ito kay ES Bersamin eh bakit hindi kayo naglabas ng Executive Order para sa karagdagang posisyon sa BI? Ano ang silbi ng pangatlong deputy commissioner, ES Bersamin?

Ilang manok kaya ang kinatay para sa selebrasyon ni Mang Kanor, at mayroon kayang Cashsunduan sa kanila ng Palasyo? Magkano ang Tara? Monthly ba o weekly? Mang Lucas, anong say mo, Sir?

Bago kayo nagtalaga, sinilip ba ninyo ang kanyang track record kung walang nangyari na korupsyon sa kanyang dating posisyon sa gobyerno?

Sa dami ng suliranin ng kasalukuyang administrasyon ni PBBM, isa na ang patuloy na kahirapan, talamak na korupsyon sa ilang ahensya ng pamahalaan, at patuloy na panggigipit ng Chinese militia sa kapwa natin magsasaka sa West Philippine Sea, na nagbantang aarestuhin ang trespassers nating kababayan na nais lamang mangisda sa sarili nating teritoryo.

Hanggang sa kasalukuyan ay kakaba-kaba pa rin ang sambayanan sa maaaring sumiklab na giyera kontra China na sa pagkakataong ito ay tila malabong mapag-usapan ang usaping pangkapayapaan dahil na rin sa pangbu-bully ng mga Kano na sindihan ang mitsa upang magkaroon ng madugong sagupaan.

Ilang beses na natin binigyan ng paalala ang pamahalaan na maaaring anomang oras ay nakahandang umatake ang Chinese nationals na nakaporma na sa lahat ng sulok ng bansa. Patunay na rito ang mga lumabas sa balita na nadiskubreng matataas na kalibre ng baril, ammunition at uniform ng Chinese militia na nakuha sa ni-raid na mga POGO hub… Bakit hindi imbestigahan itong may-ari ng isang malaking travel agency na si alias “Madam” na responsable sa pagpasok ng maraming Chinese sa bansa dahil sa visa upon arrival, at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na rumaraket sa BI, kahit ito’y nakasuhan na ng panunuhol sa public officials.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

55

Related posts

Leave a Comment