FROZEN CHICKEN NG DALI NA MAY UOD, TOTOO BA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

TRUE BA? ‘Yan ang karaniwang tugon ng mga netizen sa isang post kamakailan tungkol sa nakita umanong uod sa frozen chicken ng Dali.

Hindi naiwasang mandiri at mangilabot ang mga nakabasa sa post. Sino nga naman ang hindi mag-aalala kung usapin na ng pagkain.

Naging laman din ng balita ang Dali nang may ibang malaking kumpanya ang umalma sa ilang produktong diumano ay ginagaya nito.

Bilang tugon, agad namang tinanggal ng Dali ang ilang condiment brands mula sa kanilang istante bunsod ng reklamo na may hawig ang mga ito sa ilang pangunahing sangkap na ginagamit sa pagkain. Bukod pala rito ay may reklamo na ang mga namimili rito.

Pero parang mas nakakabahala ang balitang may netizen daw na nag-post na may lamang uod ang nabili niyang frozen chicken sa isang Dali store.

Ayon sa Facebook page na Pinoy Rap Radio, may isang consumer na nag-post ng nasabing uod galing sa frozen chicken ng Dali. Dahil dito, ilang netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa reklamo ng isang customer.

Nagdagsaan na rin sa comment sections ang iba’t ibang hinaing ng mga naging customer ng Dali. May nagsabing dapat mainspeksyon ang mga freezer ng nasabing convenience store dahil baka may nananahan nang maggots sa loob nito.

Matagal na ang isyu, ngunit hindi malaman kung naresolba na ito o nainspeksyon ng kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Napag-alaman natin na ang lystrike o myiasis, ay isang kondisyon na ang langaw ay nangingitlog sa balat o body cavities ng manok, at doon napipisa ang larvae na ginagawang pagkain ang tissues ng manok.

Sa ating pagsasaliksik, ang piraso ng hilaw na manok ay mananatiling ayos sa freezer sa loob ng siyam na buwan, habang ang buong manok ay may hanggang isang taon kapag frozen. Kapag tuloy-tuloy na frozen, ito ay ligtas. Maaaring i-freeze ang manok sa original packaging o repackaged nito. Kung ang freezing ay lagpas ng dalawang buwan, kailangang balutin ang buhaghag o butas-butas na store plastic packages ng airtight heavy-duty foil, plastic wrap o freezer paper, o ilagay ito sa freezer bag.

Anoman ang katotohanan sa paratang sa nabanggit na convenience store, kinakailangan yatang tingnang mabuti ng mga ahensya ng gobyerno ang mga ganitong reklamo dahil sa posibleng epekto sa kalusugan ng mga Pilipino.

Mainam din ito para malinis ang convenience store sakaling hindi naman pala totoo ang ibinibintang sa kanila.

Alam n’yo naman sa social media sa panahon ngayon kung ano-ano lang ang kanilang pinapatulan.

93

Related posts

Leave a Comment