GIRIAN NG CHINA AT AMERIKA DAPAT IPAGDASAL AT PAGHANDAAN

HINDI pa nga natatapos ang kinakaharap na problema ng Pilipinas dulot ng COVID-19, ay heto na naman at mukhang lalong umiinit ang hidwaan ng US at China sa isyu ng South China Sea. At kung matutuloy ang girian na ito ay tiyak na damay na naman ang Pilipinas.

Na-focus ng husto ang atensyon nating mga Pilipino sa problema na dulot ng COVID-19 at ng ABS CBN, at nakaligtaan nating pansinin ang mga kaganapan sa gitna ng South China Sea. Natawag lamang muli ang ating atensyon matapos maglabas ng mensahe si Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Mariin at matigas ang mensahe ni Sec. Locsin sa nakaraang 4 na taon anibersaryo ng pagkapanalo ng South China Sea Arbitration case. Sinabi nya sa kanyang mensahe na “the South China Sea arbitral ruling that favored the Philippines four years ago is ‘non-negotiable'”.

Kasunod nito ay nagpalabas din ang bansang China na hindi nila kailanman kinikilala ang ruling na ito ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) dahil sa hindi naman sila nakisama sa usapin na ito.

Sa kabilang banda, ang Amerika naman ay patuloy na nagpapalakas ng kanilang pwersa sa South China Sea, katunayan ay nasa South China Sea na rin ang ilan barkong pandigma ng Amerika.

Mainit na mainit na ang balita sa maraming pahayagan sa Amerika na determinado na si US President Donald Trump na banggain ang bansang China. Maaring totohanin ni Pres. Trump ang kanyang banta, dahil maaring ito lamang ang makapag-ahon sa kanyang bumagsak na popularidad matapos na siya ay batikusin ng husto dahil sa kanyang mga naging aksyon sa pagharap sa COVID-19 Crisis.

Samantala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagkaroon din ng pagamyenda ng ilang posisyon o rango na tugma naman sa mga rango ng Amerika.

Halimbawa rito ay ang dating posisyon na Chief of Staff ay tatawagin na ngayon na Chairman of the Joint Chiefs, kaya kung sakaling, magkaroon ng giyera at makasama ang Pilipinas sa pagsasanib ng pwersa o Joint Forces ay malinaw na ang mga designasyon ng bawat sandatahan lakas.
Marahil bukod sa ating sama-samang pagdarasal na huwag maganap ang posibleng digmaan sa South

China Sea, ay dapat din naman natin sabayan ang paghahanda sakaling ito ay tuluyan na maganap.
Hindi ko hangarin na magdagdag ng pangamba para sa ating mga mamayan, ngunit sa aking palagay,

imbes na pagusapan at pagtalunan ang nangyari sa ABS-CBN ay mas makakabuting paghandaan natin ang ika nga ay “worst case scenario” na maidudulot ng hidwaan sa South China Sea.

93

Related posts

Leave a Comment