LUMAYA SA SELDA TININGGA

MALAKI ang hinalang may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpatay sa isang 21-anyos na babae na sinasabing bagong laya, na binaril sa ulo habang naglalakad sa Port Area, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Janel Seguros y Tamola, ng 11st., Railroad St., Port Area, Manila.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek at ang motibo sa pagpatay.

Ayon sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang pagpatay sa Railroad St. sakop ng Brgy. 650 sa Port Area.

Ayon sa pulisya, nakulong ang biktima dahil sa ilegal na droga kaya posibleng “hitman” ang pumaslang dito. (RENE CRISOSTOMO)

455

Related posts

Leave a Comment