GOLD MINE FARM TO MARKET FRANCHISE

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

MARAMING mga negosyante ang mapapalad sa iba’t ibang larangan ng negosyo depende sa kanilang diskarte. Kagaya ni Mr. Orlando Manuntag na may-ari ng Gold Mine Farm to Market franchise, na 25 years na sa larangan ng pagbibigas.

Masasabi nating malayo na ang narating ng kumpanya. Alam kasi ni Mr. Manuntag na ito ang pangunahing pagkain sa bansa.

Base sa natutunan niya sa kanyang pag-aaral, tumutulong din siya sa atin mga magsasaka. Alam kasi niya na ang mga ito ang pinanggagalingan ng production ng ating bigas.

Ika nga, magtanim ay ‘di biro. Matindi ang hirap nila, may makain lang tayo.

Sa kanyang pag-aaral, nabatid niyang dapat sapat ang supply at walang shortage sa bigas pero sa ngayon sobrang mahal ng bigas, kaya hinimok niya ang kasamahang mga dealer na magbigay ng subsidy na boluntaryong galing sa kanilang bulsa, upang makapagbenta ng quality at murang bigas sa halagang P38 sa nangangailangan nating kababayan.

Ito ay upang kahit papaano ay makatawid sila sa buhay. Pinu-push din niya ang ating magsasaka na magtanim ng local rice like brown rice, red rice dahil ito ay masagana sa fiber.

Isinusulong din ng Gold mine Farm to Market franchise na mabigyan ng opportunity ang ating mga OFW at seafarers na magkaroon ng sariling negosyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa potentially successful partnership in a noble rice trading venture.

Pinangunahan din ng Gold Mine Farm to Market franchise ang kauna-unahang franchise show as Franchisor – exhibition sa bansa, upang lalong maintindihan at maibigay ang tamang proseso sa mga gustong pumasok sa franchise business.

Na-discover ng kumpanya kung gaano ka-effective ang sistema ng franchising as an efficient tool to expand business at ang Gold Mine Farm to Market franchise din mismo ang nag-provide ng seeds, fertilizer, pesticide pati na rin ang harvest facilities sa ilang magsasaka especially sa Nueva Ecija at Bulacan, upang siguraduhin ang masaganang ani.

Si Mr. Orlando Manuntag, ang Chief Executive Officer ng Gold Mine Farm to Market franchise.

118

Related posts

Leave a Comment