GOOD JOB SA BOC-IG AT MICP-CIIS

NAIS natin papurihan ang tropa ni Bureau of Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Ret. Gen. Ramiro, at ni Customs Intelligence and Investigation Service Manila International Container Port Supervisor Intelligence Officer III Alvin Enciso, sa isang matagumpay na operasyon.

Nitong Abril mga Igan, pinamunuan ni IO3 Enciso ang BOC-MICP CIIS, kaagapay ang ­National Bureau of Investigation-Special Action Unit, at BOC Intellectual Property Rights para ­kumpiskahin ang P190 milyong halaga ng pekeng produkto na iligal na nakalagak sa isang warehouse sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Sa bisa ng Letter of Authority na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo “Jagger,” Guerrero, sinalakay ng mga ahente ng BOC CIIS, NBI, at ng IPRD, ang nasabing lugar kung saan bumulaga sa kanila ang libo-libong pirasong imported kitchenware, housewares, food stuff, at iba pa.

Daglian namang inimben­taryo ng grupo ang fake products na sinaksihan ng ilang Customs ­examiners, CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), at representatives ng bodega. Mabuhay kayo mga, Igan.

Inirekomenda naman ni IO3 Alvin Enciso ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention para sa counterfeit items dahil sa paglabag sa Section 118 (f) of Republic Act (RA) No. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act in relation to R.A. No. 8293 or the Intellectual Property Code of 1999.

Kung inyo pong matatandaan mga Igan, umaabot naman sa P80 milyong halaga ng sinasabing iba’t ibang ismagel na mga produkto rin ang nakumpiska ng grupo ni IO3 Enciso sa isang bodega sa Pandi, Bulacan. Mabuhay kayo, mga Idol!

Sa ating nasagap na impormasyon, matagal nang “under surveillance” ang lugar makaraang makatanggap ng balita ang Customs hinggil sa milyones na smuggled products at pinaniniwalaang naipuslit sa mga pantalan ng ahensya.

Muli armado na naman ang grupo ni IO3 Enciso ng Letter of Authority, na may lagda ni Comm. Jagger, agad ikinasa ang surpresang pagsalakay sa naturang lugar. Huli ka, Balbon! Uy ambot! Kala niyo makakalusot kayo sa tikas ni IO3 Enciso. Ayon timbog!

Sa nasabing operasyon, ­tumambad sa kanilang harapan ang libo-libong kahong imported at unregistered mosquito coils, motorcycle parts/accessories, kitchen wares, TV antennas, power tools, infringed toys, and books at maraming iba pa.

Naging kaagapay naman ng BOC ang local Philippine National Police (PNP) at Barangay officials sa Pandi, Bulacan para isagawa ang anti-smuggling ng Bureau of Customs.

Nakalagak naman ang mga kumpiskadong iligal na kargamento sa Customs security warehouse para sa kaukulang pag-iingat at imbentaryo dahil sa paglabag ng may-ari ng bodega sa Republic Act No. 8293 “Intellectual ­Property Code of the Philippines” and Section 1113 “Property Subject to Seizure and Forfeiture” under RA No. 10863, otherwise known as Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Muli, congratz kay BOC Commissioner Jagger Guerrero, at Deputy Commissioner for IG Gen. Ramiro, at may kawani’t kaagapay kayo sa pagsugpo sa ismagling sa katauhan ni IO3 Alvin Enciso na agresibong lumalaban sa smuggling, para sa patuloy na pagbibigay proteksyon sa interes ng ating gobyerno. Mabuhay kayong lahat, and may God bless us, all!

***

4M HALAGA NG SHABU,
NASAMSAM SA NAIA

PAGPUPUGAY sa Bureau of Customs Port of NAIA, sa ­pangunguna ni Coll. Mimel Talusan, at ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa pagkasamsam ng P4 milyong ­halaga ng shabu na itinago sa baby bottle sterilizer sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City.

Sa pahayag ni Port of NAIA District Collector Mimel Talusan, gabi ng maaresto ang isang residente ng Pasay City kasama ang isang Nigerian national matapos matanggap ang package sa Marcos Alvarez Avenue kanto ng Veraville Homes, Talon Singko, Las Piñas City.

Habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon, hindi muna inihayag ang pangalan ng dalawang suspek, at nang ­makasuhan ayon sa batas na kanilang nilabag.

Dagdag pa ni Coll. Talusan, ang pakete ay unang natuklasan ng Bureau of Customs nang dumaan ito sa x-ray para sa scanning at nakitang may kahina-hinalang larawan. Kasunod nito, ang pakete ay sumailalim sa 100% pisikal na pagsusuri.

Nakita naman ng nakatalagang Customs Examiner ang 588 gramo ng puting crystalline ­substance na nakabalot sa aluminum foil at nakatago sa loob ng baby bottle sterilizer at dryer.

Sa rekord, nanggaling ang package sa Laos, at ­idineklarang “electric steamer.” Ngunit nagpositibo sa shabu ang item nang isailalim sa chemical test ng PDEA, at naging rason para isagawa ang operasyon.

Nadakip naman ang mga suspek, at isinailalim sa imbestigasyon at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2003 at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA LAW.

Samantala, sa pahayag naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, kailangan ang inter-agency cooperation at coordination para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga sa bawat hangganan ng bansa.

136

Related posts

Leave a Comment