KUNG MASUSUNOD ANG MANDATO, MAWAWALA ANG KORAPSYON

 Kaalaman Ni Mike Rosario

KUNG masusunod lang ang mandato ng bawat opisina ng gobyerno ay wala sanang problema si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa usapin ng korapsyon sa pamahalaan.

Ang mga mandato ng bawat opisina ng gobyerno ay napakadaling sundin kung gugustuhin ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan.

Ang mga ito ay ang pagiging simple ng pamumuhay, pagiging tapat sa tungkulin, magalang sa lahat ng tao at iba pang mabuting ugali bilang isang empleyado ng gobyerno.

Kailangan din mailagay sa kaisipan ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno na ang kanilang mga benepisyo at suweldo ay nagmumula sa mga buwis ng taumbayan.

‘Wag din nila isipin na nasa opisina sila ng gobyerno ay mas nakakaangat na sila sa ibang tao o taumbayan.

Kailangan din maalis sa kanilang mga isipan na kaya sila pumasok sa opisina ng gobyerno ay para magpayaman o kumita ng malaking pera, sa halip kaya sila nagtrabaho para sa tinatawag na “LINGKOD BAYAN”.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na mas mababa ang sweldo sa mga opisina ng gobyerno kung ikukumpara sa mga pribadong tanggapan.

Subalit kung ang pag-uusapan ay ang pagiging matatag ay mas matatag ang opisina ng gobyerno kumpara sa pribado.

Ang nangyayari kasi ngayon ay nagiging kabaligtaran, sa halip na ang mga empleyado at opisyal ng opisina ng gobyerno ang nagiging mabait, tapat at simple, ay sila pa itong mas masungit sa kanilang mga parukyano.

Habang ang mga pribadong empleyado at opisyal na nanggagaling sa may-ari ng kumpanya ang sweldo, ay sila pa itong mababait sa kanilang mga kliyente, kasi alam nila na may kaakibat na kaparusahan sila kapag hindi nila inayos ang kanilang pakikipag-usap sa ibang tao.

Sa kabila naman na may mga nakatingin sa mga pasaway na empleyado at opisyal ng gobyerno katulad ng Office of the Ombudsman, Civil Service Commission (CSC), ay balewala pa rin ito sa kanila.

Nariyan kasi ang kanilang ipinagmamalaking backer na kahit anong gawin nila ay hindi sila matitinag sa kanilang kinalalagyang opisina.

Kung hindi mababago ang mga kaugaliang ito ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno ay malabong umangat ang bansang Pilipinas.

181

Related posts

Leave a Comment