ONG NAGPABEBE AT PA-CUTE LANG SA QUAD COM HEARING?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

Na-PUNA ng mga kongresistang kasama sa ikaapat (4) na Quad Committee hearing noong Setyembre 4, 2024, sa majority shareholder ng Whirlwind Corporation na imbes sagutin nito ang mga katanungan sa kanya ng mga mambabatas ay nagpabebe at pa-cute lang ito.

Si Cassandra Ong ay ginisa ng mga mambabatas kaugnay sa kinasasangkutan nito sa Porac, Pampanga POGO operations.

Kung pagbabasehan ang mga sagot ni Ong sa mga kongresista ay nagkukunwari itong inosente at maang-maangan sa usapin ng POGO.

Hindi naniniwala ang mga miyembro ng Quad Com na walang alam si Ong sa operasyon ng POGO dahil sa hawak nitong mataas na posisyon sa kumpanya.

Sa hirap na pakikipag-usap ng mga kongresista kay Ong ay naihalintulad nila ito sa isang lobo na may damit ng tupa.

Pakiramdam ni Ong, sa isinasagawang pagdinig ng Quad Com ay naglalaro lamang siya at hindi seryoso ang mga mambabatas sa kanilang isinasagawang pagdinig.

Imbes na sagutin nito (Ong) ang mga tanong sa kanya ng mga kongresista ay mistulang pabebe pa ito sa mga mambabatas na kasama sa Quad Com hearing. Ayon kay Cong. Adiong, “Masyado kang pa-cute eh!”

Sa unang pagtatanong ni Cong. Pimentel ay nadismaya ito dahil alam niyang nagtatago ng impormasyon si Ong kaugnay sa usapin ng Lucky South at sa relasyon nito kay Mr. Duanren Wu.

Ang inabusong palusot na ito ay kung paanong si Cassy Ong ay nagawang iwasan ang mahirap na mga tanong ng Quad Com.

Sa sunod na pagtatanong ni Cong. Ace Barbers ng Surigao Del Norte, inurirat nito kung paano nagastusan ng Whirlwind Corporation ang construction ng 46 buildings sa Porac POGO compound.

Natanong din si Ong sa pinagmumulan ng kanyang mga pondo at ng kanyang business partners sa Whirlwind Corporation.

Sa mga pag-usisa sa kanya ay pumalakpak lang siya (Ong) at sinabing, “E ‘di tanungin n’yo sila.”

Dahil sa hindi pagkakapareho-pareho ng mga sagot ni Ong sa mga tanong sa kanya ay binato siya ng mga tanong ni Cong. Keith Flores hinggil sa koneksyon sa pagitan ng Whirlwind at Lucky South na kung saan ay napag-alaman na si Ong ay dati ring major stakeholder ng Lucky South.

Sa pagtanggi ni Ong sa anomang pagkakasangkot sa Lucky South, ay gumagana laban sa kanya ang kaso.

Dahil kumbinsido si Cong. Dan Fernandez sa kasinungalingan ni Ong ay pinaalalahanan niya ito na ang withdrawal ng kanyang waiver sa Bank Secrecy Law ay hindi makasisira sa kanilang imbestigasyon.

Nagdududa rin ito sa katotohanan ng mga naunang pahayag ni Ong tungkol sa pinagmulan ng kanyang mga pondo.

Mahirap isipin kung paanong ang isang pangunahing stakeholder ng isang korporasyon, incorporator din, money handler at authorized representative na malapit ang relasyon sa kanyang mga staff, ay walang kaalam-alam sa kanilang operasyon.

Hindi maikakaila na maraming alam si Ong sa kalakaran ng kumpanya subalit pinababayaan niya lang at sinasadya.

Ang tunay na tanong ay kung kaninong gulo ang nadatnan niya, at ngayon ay nagpupumilit na makaalis nang siya ay umiyak: “Ayaw kong maipit sa nag-uumpugang malalaking bato,” sabi niya kay Cong. Fernandez.

Hindi man direktang sumagot ang resource persons na naimbitahan sa Quad Com hearing, kalaunan ay lalabas din kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.

Kung sinoman ang tamaan sa nakaraang administrasyon ay dapat managot, maging ang nasa pinakamataas mang posisyon.

62

Related posts

Leave a Comment