PAGPAPAGANDA NG HEALTH SYSTEM PRAYORIDAD NI GOV. DOKTORA HELEN TAN

TARGET NI KA REX CAYANONG

KAHIT noong kongresista pa si Gov. Helen Tan, prayoridad na ng doktora ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Ito ang dahilan kaya lalo siyang minamahal ng kanyang nasasakupan.

Kahit ang mga katabing bayan at lalawigan ay lodi ang aleng ito.

Tuloy-tuloy naman ang pagpapaganda sa Quezon Medical Center (QMC).

Nitong Lunes, Mayo 22, pinangunahan ni Chief of hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva ang pagbabahagi ng mga pagbabagong isinasagawa sa QMC.

“Hangad nila na mas mapaganda pa ang serbisyong ibinibigay sa ating mga kalalawigan,” wika ng tanggapan ni Gov. Tan.

Bunga naman ng patuloy na pagsuporta rito ng gobernadora, masayang ibinalita ni Dr. Villanueva na marami nang mga doktor ang dumagdag dito.

Sinasabing ito’y upang mabigyan ng magandang serbisyo ang bawat pasyenteng nangangailangan, kabilang na rito ang pinakabagong head ng Orthopedics Section na si Dr. Rommel C. Castillo.

“Iniulat din ng chief of hospital ang mga nadagdag na mga kagamitan at mga gusaling maaari nang gamitin para sa tuloy-tuloy na serbisyong medikal. Lubos ang pasasalamat ng mga ito sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit sa gobernadora at sa mga organisasyong tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang ospital ng lalawigan ng Quezon,” ayon pa sa pahayag ng Governor’s Office.

Para kay Gov. Tan, “Ang mga imposible ay pwedeng gawin kung tayo ay magtutulungan. Mahaba pa ang lalakbayin natin and so we hope sa dulo nitong mga ginagawa natin ay may mga pasyenteng lumabas ng mga nakangiti.”

Samantala, tiniyak ni Gov. Tan na ang lahat ay mabibigyang halaga at pagkilala.

Ginawa ng gobernadora ang pahayag sa ginanap na 15th Annual Induction and Oath Taking ng mga bagong hukom at elected officers ng Quezon Judges Association.

Lubos naman ang pagpupuri ng gobernadora sa mga kawani ng mga hukom.

“The journey towards the future of every Quezonians sa matatag, maginhawa at panatag na buhay rests on the dispensation of justice,” sabi ni Gov. Tan.

Umaasa ang dating mambabatas na magiging kaisa ang asosasyon sa lahat ng mga itutulak nilang pagbabago sa probinsya.

Pinarangalan naman ni Gov. Tan ang mga magreretiro at mga retiradong hukom sa kanilang ibinigay na serbisyo para sa bayan.

264

Related posts

Leave a Comment