PAGTIGIL NG FB, IG AT MESSENGER UMANI NG SAMU’T SARING REAKSYON

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NABIGLA ang mga tao sa buong mundo sa pagtigil sandali ng operasyon ng Facebook, Instagram at Messenger bandang alas-12:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles.

Ayon sa impormasyon, nasa 1.5 oras na nawala pansamantala ang Facebook, Instagram at Messenger.

Sinasabi ng ilang experts na may nangyaring “cyberattack” na hindi kailanman maaaring ganap na maalis.

Base sa nakuha nating impormasyon, kabilang sa mga bansa na tumigil ang FB, IG at Messenger ay ang United States (US), ilang bahagi ng United Kingdom (UK), China, Australia, Mexico, Kuwait, Pilipinas at iba pa.

May mga nag-alala na baka ninakaw ang kanilang personal details sa pagkawala ng FB, IG at Messenger.

Nangamba rin ang ilang mga negosyante na baka mangyari ito sa kanilang files, lalo ang mga bangko, nang biglang mawala ang mga ito at hindi agad naibalik.

Nanghinayang din ang mga tao na kumikita sa pamamagitan ng online business at reels, na baka mawala ang kanilang kinikitang pera.

Hindi natin maitatanggi na nang magsimulang lumabas ang FB ay milyong katao ang nabigyan ng trabaho.

Dumagsa ang mga reklamo ng netizens sa X (dating Twitter) na pag-aari ni Elon Musk, dahil sa pagtigil pansamantala ng FB, IG at Messenger.

Sa pitong oras (7hrs) sa nakaraang tatlong taon (3), na pagtigil ng operasyon ng FB, IG at Messenger, tinatayang umabot sa $100 million ang nawala.

Ang kumpanya na dating nakilala bilang Facebook o FB, at ngayon ay Meta, na pinamumunuan ni CEO Mark Zuckerberg, ay nagbawas ng 13% ng mga manggagawa na katumbas ng pagkawala ng 11,000 trabaho bago pa man sumapit ang COVID-19 pandemic, dahil sa pagbagsak ng ekonomiya sa buong mundo.

Subalit pagdating ng 2020 lamang kung saan ay pinag-iisipan ang lockdown sa buong mundo, at nagsimula ang online activity, ay tumaas ng one hundred million ang active users kada taon.

Sa taong 2020 lamang sa buong mundo sa pagpapatupad ng lockdown at online activity, ay umabot ng 300 million ang active users.

Kung ano-anong lumabas na espekulasyon sa nangyaring pagtigil ng FB, IG at Messenger. Ano naman kaya ang susunod? Isisi kaya ito sa China? Abangan natin…

oOo

Para sa sumbong, at suhestiyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

44

Related posts

Leave a Comment