PAGTUTOK SA KAUNLARAN, SERBISYONG PANGKABUHAYAN AT KALUSUGAN SA QUEZON

TARGET NI KA REX CAYANONG

ISANG makabuluhang proyekto ang pormal na binuksan kamakailan sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nabigyan ng bagong buhay ang Brgy. Gibanga sa pamamagitan ng pagbubukas ng kongkretong farm-to-market road.

Dahil dito, hindi na mahihirapan ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto, isang suliraning matagal nang nagpapabagal sa kanilang kabuhayan.

Ang kalsadang dati’y puno ng malalaking mga bato at hindi maayos na daraanan, ngayon ay mas pinadali ang transportasyon. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng mahigit P5 milyon at may 610 linear meter ang haba, ay isang patunay ng patuloy na dedikasyon ng pamahalaan sa pagpapabuti ng buhay ng mamamayan.

Hindi lamang ito isang kalsada, ito ay daan patungo sa mas mabilis at mas maayos na kalakaran ng mga produktong agrikultural ng mga magsasaka sa pamilihan ng Sariaya.

Kasabay ng mga imprastruktura, pinatunayan din ni Governor Tan na hindi lamang kalsada ang kayang ayusin ng kanyang administrasyon. Nitong Oktubre 12, dinala niya at ni Vice Governor Third Alcala ang kanilang medical services sa bayan ng Lucban, kung saan higit sa 4,000 Quezonians ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal.

Ang programang ito ay pagpapakita ng tunay na malasakit para sa mamamayang nangangailangan ng pangangalaga sa kalusugan, mula sa simpleng medical check-up hanggang sa masalimuot na mga serbisyong tulad ng minor surgery at screening para sa cervical cancer.

Hindi rin pinalampas ang mga pasyenteng nangangailangan ng gamot at laboratoryong hindi agad makuha, dahil sa pamamagitan ng programang AICS, naisakatuparan ang pagbibigay ng karagdagang tulong sa mga ito.

Sa dalawang proyektong ito, makikita ang ‘di matatawarang dedikasyon ni Governor Tan at ng kanyang buong pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng serbisyong pangmatagalan at epektibo.

Mula sa pagpapatayo ng kalsada na magpapabilis sa kalakalan, hanggang sa paghahatid ng libreng serbisyong medikal, patuloy nilang ipinakikita na ang tunay na paglilingkod ay nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan.

Tunay nga, ang #SerbisyongTunayAtNatural at #HEALINGQuezon ay mga pamana na magtatagal at magpapanday ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Quezonian.

8

Related posts

Leave a Comment