PAMASKO HANDOG MULA KINA MAYOR MAX ROXAS AT VICE MAYOR BIEN ROXAS NG PANIQUI, TARLAC!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TUWING Pasko, hindi nawawala ang pamaskong handog ng iba’t ibang sektor.

Karamihan sa kanila, parang tradisyon nang sinusunod ito. Ibig sabihin, kada taon, mayroon sila niyan.

Nitong bisperas ng Pasko, aba’y umulan pala ng biyaya sa tahanan ni Mayor Max. Lahat ng mga residente na lumapit sa kanila at ­nagtungo sa kanilang bahay, hindi ­umuwi nang walang dala.
“Bawat lumalabas mula sa bahay ni Mayor Max ay may bitbit na isang bag ng masarap na bigas na 5 kilos at cash na 500 pesos,” sabi ng isang residente.

Aba’y pamaskong handog ito ng alkalde at ni Vice Mayor Bien Roxas sa kanilang mga ka-barangay sa Coral, Paniqui.

“Una sa lahat, nais sabihin ni Mayor Max at Vice Mayor Bien na itong pamimigay nila ng pamasko sa mga taong nagpupunta sa kanilang bahay ay hindi pamumulitika dahil wala pa sila sa mundo ng pulitika ay ginagawa na nila ito,” pahayag ng kampo ng alkalde.

Naku, tama nga naman. Isang tradisyon na ito ng mga Roxas na kanilang ipinagpapatuloy tuwing araw ng pasko.

Kitang-kita si VM Bien sa isang kuhang video na siya ang personal na nag-aabot ng kanilang munting regalo sa mga tao habang pila-pila para maging maayos at hindi nagkakagulo.

Sa isang video, makikita na patuloy ang pagdagsa ng mga tao. Bago ito, ­sunod-sunod ang dinaluhang party nina Mayor Max at VM Bien. Simple lang ang karamihan sa mga pagtitipon pero masaya ang lahat ng mga dumalo.

“Ang buong Sangguniang Barangay ng Poblacion Sur at buong staff ay lubos na nagpapasalamat sa regalong handog ng ating Boss Bebot Roxas at sa ating Hon. Mayor Max, VM Hon. Aida Bien at sa buong pamilya Roxas. Muli, maraming-maraming salamat po,” ayon naman sa social media post ng isang taga-barangay.

Samantala, sa Barangay Balaoang, Paniqui, isang maganda at malawak na auditorium ang ipinatayo ng Roxas Family para sa mga taga-Balaoang bilang pagtanaw nila ng utang na loob sa walang sawang pagsuporta nila sa mga ito.

Napag-alaman ng inyong lingkod na personal na pera ng pamilya Roxas ang ginamit na pondo sa pagpapatayo ng nasabing istraktura. Laging zero ang sinomang ­nakakalaban sa eleksyon ng mga Roxas sa barangay na ito ng Balaoang.

Kaya naman, si Kap. Linda Manuel ay sobrang nagpasasalamat kina Boss Bebot, Mayor Max, VM Bien at sa buong Roxas family sa naturang proyekto. Binati naman ng pamilya ang mga tagasuporta nila ngayong holiday season.

“Mula po sa amin ni Mayor Max Roxas at Pamilya Roxas, binabati po namin kayo ng Maligayang Pasko na puno ng kaligayahan, pag-ibig, kalusugan, at kapayapaan,” pahayag naman ng maganda, masipag, at kagalang-galang na bise-alkalde.

26

Related posts

Leave a Comment