POLITIKA AT SHOWBIZ

SIDEBAR

Mula nang naging matagumpay ang pagpasok sa politika ng aktor na si Joseph “Erap” Estrada, marami nang taga-showbiz ang pumasok sa politika.

Dahil dito, may mga politiko na tumatakbo sa mas mataas na posisyong nasyunal ang kumukuha ng mga talent manager at showbiz PR (public relations) para tumaas ang popularidad.

Kapag may pumuputok naman na eskandalo laban sa mga politiko, sasabihin ng kanilang PR handlers na sa “proper forum” na lang nila sasagutin ang mga alegasyon.

Gayundin, sa pag-handle ng mga crisis-PR gaya ng pinagdaraanan ngayon ng aktor na si Gerald Anderson at ni Julia Barretto.

Matatandaang si Bea Alonzo, na girlfriend ni Anderson ng tatlong taon, ang unang nag-post ng mga matalinhagang komento sa kanyang social media account na tinatawag ng netizens na “cryptic post”.

Ito ay matapos lumabas sa social media ang patagong kuhang larawan nina Gerald at Julia na magkasamang bumaba sa isang sasakyan para dumalo sa birthday celebration.

Pinutakti agad ng negative comments si Julia sa social media at sa kawalang reaksyon mula sa kanya.

Sa kalagayang walang sagot sa mga paratang ng “cheating” sina Julia at Ge­rald, natural na si Bea Alonzo ang umani ng simpatiya sa netizens.

Pero dahil pare-parehong talents sila ng Star Cinema at ABS-CBN, natural na maalarma ang mga big boss ng Star Cinema sa posibleng negative backlash ng isyu sa showbiz career nina Julia at Gerald kaya pumasok ang PR-crisis specialists sa eksena para magsagawa ng damage control.

Halata ang effort sa damage control para kina Julia at Gerald dahil sabay halos silang naglabas ng kanilang mga statement sa isyu. Si Gerald ang nauna at sinabing walang third party sa hiwalayan nila ni Bea.

Sumunod si Julia sa paglalabas ng medyo mahaba at magandang pagkakasulat sa social media post kung saan pinalalabas niya na biktima siya ng bullying ni Bea.

Paliwanag ni Julia: “You (Bea) are a woman of great influence and following. You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead you’ve used that to promote social media irresponsibility. That is downright bullying.”

Ang nakakatawa, mismong tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto ang nagbunyag na nag-hire ng isang “ghost writer” ang kanyang pamangkin para sagutin ang negatibong comments.

Nangangahulugan lang ito na magpapatuloy ang trending sa social media ng isyung Bea-Gerald-Julia at siguradong sumasakit ang ulo ngayon ng mga mana­ger nina Julia at Gerald pati na ang Star Cinema kung papaano tutuldukan ang nasabing usapin. Mabuti na lang at tahimik na si Joshua Garcia na isa ring talent ng Star Cinema. (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

117

Related posts

Leave a Comment