BBB CHAIR BINAWI ANG 5-MINUTO BIYAHE SA MAKATI-CUBAO

(NI BETH JULIAN)

MATAPOS ipagmalaki na kaya ang limang minutong byahe mula Cubao, Quezon City patungong Makati City, bumawi si Build Build Build Inter-agency committee chair Anna Mae Lamentillo sa sinabi nitong kaya sa December ang noo’y ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na takbo ng sasakyan sa Edsa ng limang minuto lamang.

Katwiran ni Lamentillo, ayaw niyang pangunahan ang anunsyo ng masterplan at programa ng DOTr at DPWH na kinabibilangan ng pagbubukas ng skyway stage 3 project, C5 south link, Caloocan interchange at iba pa.

Una rito sa presentasyon ng infratructure projects sa Metro Manila, ipinagmalaki ni Lamentillo na magbibigay katuparan ito

sa 5-minute travel time sa pagitan ng Cubao at Makati.

Gayunman, nang tanungin si Lamentilla kung paano ito mangyayari, inamin ng opisyal na ibang kalsada ang kanyang tinutukoy at sinabi pang ang skyway stage 3 kung saan ay kaya ng lima hanggang 10 minuto ang byahe muna Guadalupe, Makati patungong Plaza Dilao sa Maynila.

 

 

75

Related posts

Leave a Comment