REPASUHIN ANG LAHAT NG MULTA SA BATAS TRAPIKO

MY POINT OF BREW ni JERA SISON

MUKHANG matagumpay ang kampanya ng MMDA laban sa pasaway na mga motorista na gumagamit ng EDSA bus lane. Ipinagbabawal na kasi ang paggamit ng nasabing bus lanes upang mabigyan ng prayoridad ang commuters na dumaraan sa EDSA araw-araw.

Noong ika-16 ng Marso 2020, sinimulan ang tinatawag na EDSA bus carousel kung saan istriktong gagamitin ang kaliwang bahagi ng EDSA ng mga pampublikong bus at ambulansya, sasakyan ng mga bumbero at pulisya. Ang diwa ng nasabing polisiya ay pang-emergency lamang.

Subalit tila inabuso ito ng marami sa ating mga motorista sa tuwing mabagal ang daloy ng trapiko sa EDSA. Natutukso sila na gamitin ang EDSA bus lane dahil kadalasan ay maluwag ito. Dahil dito, naging seryoso ang MMDA sa pagpapatupad ng nasabing batas trapiko. Subalit tila binabalewala o kaya naman ay tinatakasan ito ng pasaway na mga motorista.

Kaya naman nang tinaasan ng MMDA ang multa sa mga gumagamit ng bus lane, hindi pa natatapos ang isang linggo ay tumino ang mga dating pasaway na motorista at hindi na nagtangkang lumabag sa batas. Bakit?

Ang solusyon naman pala ay ang pagtaas ng multa sa mga sumusuway sa batas. Kasama pa rito ay ang istriktong implementasyon ng traffic enforcers.

Kaya naman napaisip ako. Kailangan yatang repasuhin ng DOTR at ng LTO ang kasalukuyang mga multa sa batas trapiko. Dagdag pa rito ay ang seryosong implementasyon nito.

Para sa impormasyon nating lahat, ito ang mga karampatang multa sa lalabag sa ating mga batas trapiko:

LTO Traffic and Administrative ViolationsKung ating titingnan ang kasalukuyang mga multa, ‘di hamak na mas mataas ang multa na P20,000 sa paggamit ng ating EDSA bus lane. Ang pinakamataas ay pagmamaneho nang lasing o nasa ilalim ng impluwensya ng droga na may sakdal ng korte. Malayo sa P30,000 na ika-apat na paglabag sa paggamit ng bus lane sa EDSA.

Kailan lamang ay sinabi ng LTO na mahigit 24 million na sasakyan sa ating bansa ay hindi rehistrado. Karamihan daw dito ay mga sasakyan ng gobyerno. Tinatayang P37 bilyon ang nawawalang koleksyon ng gobyerno dahil dito. At magkano ang multa sa hindi rehistradong sasakyan? Malamang ay hindi aabot ito ng P30,000!

Kaya palagay ko ay napapanahon na upang repasuhin ang mga batas trapiko ng LTO. Kung ayaw ninyong mapatawan ng malaking multa, simple lang… sumunod tayo sa batas.

266

Related posts

Leave a Comment