SANDAMAKMAK NA ANG BATAS SA ROAD SAFETY

SANDAMAKMAK na ang batas na may kaugnayan sa road safety para raw matiyak na ligtas ang mga motorista at kanilang mga pasahero kapag nasangkot ang mga ito sa disgrasya.

The last time I check, 6 na kabilang na ang Child Safety in Motor Vehicles Act Republic Act (RA) 11229 na gustong ipatupad simula noong Martes pero inalmahan kaya inurong ang implementasyon.

Kabilang sa mga batas may kaugnayan sa road safety ay ang Seat Belts Use Act of 1999 (Republic Act No. 8750); Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015 (Republic Act 10666); Motorcycle

Helmet Act of 2009 (Republic Act No. 10054); Anti-Distracted Driving Act of 2016 (Republic Act 10913) at Anti-Drunk and Drugged ­Driving Act of 2013 (Republic Act No. 10586).

Madadagdagan pa yan dahil tinatrabaho na ng Kongreso ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga kaskaserong tsuper na malimit na naging dahilan ng aksidente at ikinamamatay ng maraming inosenteng mamamayan.

Ang tanong, maayos bang naiimplementa ang mga nabanggit na batas lalo na ang anti-drunk and drugged driving at ­anti-distracted driving act. Yung seatbelt law at helmet act ay oo ang iba hindi naiimplementa ng maayos.

Marami pang driver ang ­gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho pero hindi nahuhuli at kapag nadisgrasya sasabihin nila na nakatulog sila pero ang totoo, abala sila sa pakikipag-usap sa cellphone.

Marami ring driver ang nagmamaneho na nakainom o naka-droga kaya hindi maayos ang kanilang pagmamaneho at ­nagiging dahilan ng pagkakasangkot nila sa disgrasya dahil ang bibilis nilang magmaneho. Ilan na ba ang nahuli?

Saka lang sila nahuhuli nadrisgrasya na sila at aaminin ng driver na nakainom siya ng konti pero naiwasan sana ang aksidente kung agad siyang nahuli dahil bawal ngang magmaneho ng nakaimon di ba?

Ang masakit nyan, ang mga ganyang driver ay nandadamay pa ng ibang tao kapag nadisgrasya sila. Kahit anong ingat mong magmaneho kung mayroon kang kasabayan sa lansangan na ganyan, maaaksidente ka rin.

Pero kung maiimplementa lang ang mga nabanggit na batas ay maiiwasan sana ang disgrasya. Parang inaantay lang ng mga ­otoridad na may madisgrasya bago sila makahuli eh ginawa ang para maiwasan ang disgrasya.

Kung naiimplementa lang ang mga batas na ‘yan hindi na kailangan ang maglagay ng special seat para sa mga batang pasahero na edad 12 anyos pababa sa loob ng sasakyan.

Oo nga pala, inakda nina ­dating Buhay party-list Rep. Michael M. Velarde Jr., (sa Kamara) at dating Sen. JV Ejercito (sa Senado) Child Safety in Motor Vehicles Act noong 17th Congress.

Layon daw ng batas na maproteksyunan ang mga bata sa loob sa sasakyan kapag nagkaroon ng disgrasya dahil base daw sa pag-aaral, hanggang 80% na maliligtas ang mga bata kapag naka-child restraint device sila kapag naaksidente ang kanilang sinasakyan.

Pero sabi ko nga, kung maiimplementa lang ang naunang batas na may kinalaman sa road safety, walang madidisgrasya. Kung maingat at may disiplina ang mga driver, walang maaksidente.

Bakit niyo ba ginagawang kumplikado ang buhay ng mga tao? Bakit nyo ba sila pinahihirapan at pinapagastos sa gitna ng pandemya? Dapat pinapagaan niyo ang kanilang kalalagayan. Hindi biro ang P2,000 hanggang P25,000 na halaga ng child ­restraint device ha.

159

Related posts

Leave a Comment