TARGET NI KA REX CAYANONG
UMAARANGKADA na muli ang face-to-face competitions. Nagbalik ang halos lahat ng events matapos ang pandemya.
Magandang pagkakataon ito para makapag-exercise ang mga kabataan at malayo sa bisyo.
Ang takbong paakyat at pababa ng bundok ay nagbalik na rin. Maganda ito para sa lahat.
Ang mga kabarangay naman natin sa Brgy. San Jose, Antipolo City ay masayang-masaya dahil nga sa pagbabalik ng iba’t ibang events sa kanilang lugar.
“Matapos ang lockdowns at restrictions dahil sa pandemya, muli pong magbubukas ang SK Inter-Sitio Basketball and Volleyball Tournament Season 3. Register Your Teams Now,” ayon kay Sangguniang Kabataan (SK) Chairman Monte Tolentino.
Maaari raw magtungo sa main Barangay San Jose Hall upang kumuha ng form or i-download ito sa isang link na nasa Facebook page nila.
Aba’y puwede ring magtungo sa registrations sites dala ang requirements.
Narito ang registrations sites at schedules:
•February 4&5, 2023 (8am-12nn) – Sitio Boso-boso covered court
•February 4&5, 2023 (1pm-4pm) – Sitio Buhanginan covered court
•February 11&12, 2023 (8am-12nn) – Brgy. San Jose Hall covered court
•February 1-15, 2023 (8am-5pm) – SK Office, Brgy. San Jose Hall
Sa mga gustong sumali, ayon kay SK Chairman Monte, aba’y magdala lang daw ng photocopy of birth certificate (original), voter’s ID/ certification mula sa Comelec, 2 pcs. ID picture 2×2, at team line-up at players’ application form. Dapat din daw ay registered voter o residente ng Barangay San Jose.
Sa basketball, dapat 15-18 y/o ang mga sasali sa midget division, 12 members; 19-29y/o sa junior division, 12 members; at 30-above sa senior division, 12 members.
Sa laro namang volleyball ay walang age limit at dapat mayroon silang 12 members kada team.
“Tatanggap na po kami ng entry, Monday to Friday 8am to 5pm. Magtungo sa opisina ng SK San Jose sa Barangay Hall,” ayon pa sa tinaguriang ‘future barangay chairman’ ng mga taga-San Jose. Ito ay programa ng SK ng barangay sa pamumuno ni SK Chairman Doc Monte at SK Council.
Good luck and more power po, mga bossing!
