SUSTANSYA

FOR THE FLAG

Habang ang trend sa buong mundo ay palaki nang palaki ang numero sa istatistika ng mga overweight (nasa isang bilyon na ang mga overweight sa ngayon sa buong daigdig), malaki at nakababahala pa rin ang numero ng mga taong nakararanas ng “chronic undernou­rishment” dahil sa kakulangan at kawalan ng makakain.

Nasa 842 milyong mga taong chronically undernou­rished ay matatagpuan sa developing countries katulad ng bansang Pilipinas. Undernourishment at matinding kagutuman ang sanhi ng pagkamatay ng may 2.5 milyon na mga bata sa buong mundo taun-taon.

Ang populasyon ng bansa sa ngayon ay nasa higit 100 milyon. Nasa 13.5% nito ay mga batang may edad na limang taon pababa, halos nasa isang milyon ‘yan. Nasa 350,000 naman ng mga batang Filipinong ito ang nakararanas ng chronic undernutrition. Isa naman sa tatlong mga batang Filipino na may edad na anim na taon hanggang 10 taong gulang ay undernourished din. Kung nasa isang mil­yon ang mga batang may edad na limang taon pababa, lumalabas na 35% nila ay mga “chronically undernourished”.

Sila ang future generation na mga Filipino. Hindi tayo nagtataka, base sa trend na ito, kung bakit ang Pilipinas ang panlima sa buong mundo sa pinakamaraming school dropouts. Ang kakulangan at kawalan ng makakain ang sanhi nito, pero bukod dito ay nasa 12% ng mga inang nagpapagatas sa Pilipinas ay pawang mga underweight. Kaya hindi rin kataka-taka na ang Pilipinas ang panlima sa buong mundo kung saan pinakamarami ang isinisilang na mga sanggol na underweight din. Ang mga datos na ito na dapat bigyan ng agad-agad na aksyon mula sa pamahalaan.

Kaya ito ay dapat ding tutukan ng administrasyon upang mas maging makatotohanan ang pagbabagong inaasam ng nakararami, sa pamamagitan ng DSWD at DepEd ito ay maaaring maisakatuparan.

Noong panahon ng Martial Law ay mayroong “nutri-bun” na sana ay ipinagpatuloy ng mga administrasyon matapos ang pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos sa pwesto.

Nasa higit P100 bilyon ang budget ng DSWD ngunit wala tayong nasumpungang programang makakatulad ng nutri-bun. Masisigla ang mga bata noon kahit mahihirap dahil may karampatang nutrisyon ang kanilang katawan.

Sa kagustuhang mabuhay ng ilang mahihirap na pamilyang Filipino ngayon, kumakain sila ng “pagpag” o pagkaing nakukuha nila sa mga basurahan sa siyudad. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

154

Related posts

Leave a Comment