TNT muling kakatok sa PBA All-Filipino Cup Championship

0

WAGI kapwa ang Talk ‘N Text sa San Miguel Beer, 100-90, at Meralco kontra Magnolia Pambansang Manok, 102-98, noong Miyerkoles (Game 5) sa kanilang magkahiwalay na best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Philippine Cup.

Parehong impresibo ang naging pagwawagi ng Tropang Giga at Bolts na nasa ilalim kapwa ng MVP Group at ginanap sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Muling lumamang ang Katropa ni coach Chot Reyes, 3-2, sa serye nila laban sa Beermen na nag­dala sa prangkisa para sa isang panalo na lamang tungo sa All-Filipino Finals.

Lamang pa rin ang Hotshots sa Bolts sa kanilang serye, 3-2, subalit para sa maraming tagasunod ng koponan, ipinamalas ng mga bata ni coach Norman Black na may kakayahan silang manalo sa semis at isaayos ang kauna-unahang All-MVP Group finale sa 46th PBA season.

Muling haharapin ng Katropa ang Beermen ni coach Leo Austria sa Game 6 ngayong araw, at tulad ng Hotshots ni basketball guru Chito Victolero na makakatapat naman ang Bolts, sisikapin nila na tapusin na ang serye. Misyon naman ng SMB at Meralco na palawigin pa ang Round of 4 hanggang Game 7 sa Linggo.

Tingin ng marami, mas malaki ang tsansa ng Bolts na ma-extend ang kanilang serye laban sa Hotshots, kung pagbabasehan ang inilaro ng mga alaga ni coach Norman sa Game 5 kung saan pinaikutan nina Aileen Maliksi, Nards Pinto at Chris Newsome ang kanilang mga guwardiya para masiguro ang panalo.

Sa panig ng Katropa, nilampaso ng kababalik lamang na 39-anyos na si Kelly Williams at ng injured na si Poy Eram ang ipinagmamalaki ng Beermen na si six-time MVP June Mar Fajardo sa kabuuan ng 48-minutong pagtutuos.

Inamin mismo ni TNT coach Chot ang kahalagahan nina Willliams at Erram sa naturang panalo. “They were of big help providing extra bodies to battle San Miguel giants June Mar Fajardo and Moala Tautuaa.”

Sa tatlong koponang ari ni MVP Group boss, businessman-sportsman Manny V. Pangilinan, na TNT, Meralco at North Luzon Expressway, tanging ang Katropa pa lamang ang nakalasap ng kampeonato sa kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya. Pitong beses nang nakapag-uwi ng korona ang TNT na naglaro din sa ilalim ng bandila ng Mobiline, 7-Up/Pepsi Cola.

Samantala, wala pang naipanalong titulo ang ­Meralco at NLEX, bagama’t may tatlong tropeo na bilang runner-up ang Bolts.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment